Peace Against All Odds (Kapayapaan Sa Kabila ng Lahat Ng Pagsubok)

Kahit dalhin tayo ng buhay sa disyertong puno ng pagsubok, pasanin, at pighati, may inaalok ang Diyos na kapayapaang hindi kayang ipaliwanag ng mundo. Ngayong Linggo, inaanyayahan tayo ni Ptr. Allan Rillera na hanapin ang Diyos, ituon ang ating mga mata sa Kanyang kaluwalhatian, at punuin ang ating isipan ng Kanyang presensya. Ang taong nagtitiwala sa Diyos sa gitna ng unos ay makakatagpo ng kapayapaang hindi matitinag.
Even if life takes us to a desert full of trials, burdens, and grief, God offers a peace that the world cannot explain. This Sunday, Ptr. Allan Rillera invites us to seek God, fix our eyes on His glory, and fill our minds with His presence. The person who trusts in God in the midst of the storm will find a peace that cannot be shaken.
Basahin sa Bibliya
Psalm 63
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng karanasan na sobrang nag-alala o pressured ka pero nagkaroon ka pa rin ng kakaibang kapayapaan mula sa Diyos. Ano ang nakatulong sa iyo para maranasan ang kapayapaang ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Bakit mahalagang hanapin muna ang Diyos kaysa sa agarang solusyon o pangangailangan?
- Ano ang epekto ng pagpuno ng isip ng katapatan ng Diyos sa mga panahon ng pag-aalala?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Ano ang kadalasang pumupuno sa isip mo kapag tahimik ang paligid—pangamba, “what ifs,” sama ng loob, o mga pangako ng Diyos?
- Ano ang madalas mong sinusubukang dalhin, kontrolin, o labanan sa halip na ipagkatiwala ito sa Diyos? Bakit kaya?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Kapag nagsisimula kang ma-overwhelm o matakot, paano mo maaalala at pupunuin ang isip mo ng katapatan ng Diyos? Ano ang isang praktical na paraan para mas hanapin mo ang Diyos araw-araw kaysa pagtuonan ang mga problema? (hal. prayer time, worship, Scripture meditation, journaling)
- Ano ang isang konkretong hakbang ang pwede mo simulan ngayong linggo para hindi ka mapanghina sa mga ginagawa ng iba sa iyo? Paano mo palalakasin ang iyong sarili upang manumbalik ang lakas at kapayapaan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Diyos Ama dahl Siya ang tunay na pinagmumulan ng kapayapaan na hindi nakadepende sa sitwasyon. Pasalamatan Siya dahil sa gitna ng mga pagsubok, takot, at kawalan ng kasiguruhan, nananatili Siyang tapat, makapangyarihan, at malapit sa Kanyang mga anak. Magalak na ang Kanyang presensya ay higit na mahalaga kaysa sa anumang solusyon at sa habang mas hinahanap mo Siya, mas nawawalan ng kapangyarihan ang takot at pangamba sa iyong puso. Pasalamatan ang Panginoon dahil Siya ang lumalaban para sa iyo at hindi ka Niya kailanman iniiwan.
- Magsisi sa mga pagkakataong mas pinagtuonan mo ng pansin ang laki ng iyong problema kaysa sa kadakilaan ng Diyos. Humingi ng tawad sa mga panahong sinubukan mong kontrolin ang lahat, ipagtanggol ang sarili, o maghanap ng kapayapaan sa sarili mong lakas imbes na magtiwala sa Panginoon. Magsisi sa mga oras na pinuno ng takot, galit, pag-aalala, o paghihiganti ang iyong isip at puso. Ipanalangin na turuan ka ng Diyos na mas hanapin ang Kanyang presensya, punuin ang iyong isip ng Kanyang katapatan, at mamuhay sa kapayapaang nagmumula lamang sa ganap na pagtitiwala sa Kanya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
