Close

February 15, 2026

Living Faithfully in Light of the Last Days

Mas nakatuon sa pagsasabuhay ng Ebanghelyo ang mga Kristiyanong mulat sa katotohanang tayo ay nabubuhay sa mga ‘Huling Araw’. Ngayong Volunteer Sunday, hinikayat tayo ni Pastor Joseph Ouano na samantalahin ang bawat pagkakataon na ibahagi ang pag-ibig ni Kristo, dahil maaaring kaunti na lang ang natitirang oras para maabot pa natin ang iba.

Christians who realize they are living in the ‘Last Days’ are gripped by a real sense of urgency for living out the Gospel. This Volunteer Sunday, Pastor Joseph Ouano urges us to seize every opportunity to share Christ’s love, for we may not have much time left to bring the Gospel to others.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 4:7-11

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Kung alam mong isang taon na lang ang natitira sa buhay mo, ano ang magbabago sa kung paano mo ginagamit ang iyong oras at lakas? Bakit?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Bakit mahalagang mamuhay nang alerto, may self-control, at may panalangin dahil malapit na ang katapusan?
  •  Ano ang ibig sabihin ng “love deeply” at paano ito konektado sa pagpapatawad at hospitality?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Kapag nahaharap ka sa problema o uncertainty, alin ang mas nangingibabaw sa iyo—pag-aalala o panalangin? Ano ang sinasabi nito tungkol sa kondisyon ng puso mo?
  • Paano ka tumutugon sa mga taong “iba” o hindi ka komportable—nagiging bukas ka ba o mas pinipili mong umiwas? Sino ang taong pinakamahirap mong mahalin o patawarin ngayon? Ano ang humahadlang sa iyo para magmahal nang mas malalim?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang isang konkretong paraan na maaari mong gawin ngayong linggo para mas maging prayerful at alerto ka sa pagharap ng mga hamon ng buhay?
  • Anong spiritual gift, talento, o kakayahan na ibinigay sa iyo ng Diyos ang maaari mong gamitin upang maglingkod at maituro ang mga tao kay Jesus?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Ama sa Langit dahil Siya ang Diyos ng pag-asa kahit sa gitna ng magulong mundo. Magpasalamat na ang katotohanang malapit na ang katapusan ay hindi dahilan ng takot kundi paalala na Siya ay tapat at may hawak ng ating kinabukasan. Pasalamatan Siya para sa Kanyang pag-ibig na tumubos sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ni Christ, at sa mga biyaya at kaloob na ipinagkatiwala Niya sa atin upang magamit sa paglilingkod.
  • Humingi ng tawad para sa mga panahong pinili mong mag-alala sa halip na magtiwala at manalangin. Magsisi sa mga pagkakataong naging mababaw ang iyong pagmamahal, mabagal sa pagpapatawad, at sarado ang iyong puso sa iba. Mangumpisal sa mga pagkakataong ginamit mo ang iyong mga gifts para sa pansariling kapakinabangan. Magpakumbaba at manalangin na baguhin ang iyong puso upang maglingkod nang tapat, magmahal nang malalim, at mamuhay para sa Kanyang kaluwalhatian lamang sa pamamagitan ni Jesus Christ.

Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.