Close

January 25, 2026

Mirror Mirror

Kung paanong ang barya ay nagtataglay ng larawan ng may-ari nito, gayon din dapat tayong taglay ang larawan ng Diyos. Ngayong Linggo, hinihimok tayo ni Pastor Renz Raquion na alalahanin kung sino tayo sa gitna ng kulturang nahuhumaling sa tagumpay at pagganap. Ihandog natin sa Diyos ang nararapat na sa Kanya—ang ating buhay.

Just as a coin bears the image of its owner, so we must bear the image of God. This Sunday, Pastor Renz Raquion challenges us to remember who we belong to amidst a culture obsessed with achievement and performance. Let us offer to God what is already rightfully His—our lives.


Basahin sa Bibliya

Mark 12:13-17

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang isang label na madalas gamitin ng mga tao para ilarawan ka (trabaho, tungkulin, kalakasan, kahinaan)? Ano ang tingin at nararamdaman mo sa label na ito?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa pagsasabing, “Render to Caesar what is Caesar’s, and to God what is God’s”? (v.17)
• Ano ang pagkakaiba ng religious obligation and relational devotion gaya ng ipinapakita sa talatang ito?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo hinaharap ang iyong relasyon sa Diyos nitong mga nakaraang araw—mas mukha ba itong transaksyon o relasyon? Mayroon bang mga aspeto ba sa iyong buhay na tinatanong mo, “”Ano ang minimum na kailangan?”” imbes na, “”Paano ako mas mapapalapit sa Diyos?”” Ano ang ipinapakita nito tungkol sa iyong puso?
• Ano ang karaniwan mong hinahanap para sa iyong pagkakakilanlan o halaga (career, achievements, mga relasyon, mga ari-arian, o katayuan)? Saan ito nag-uugat? Ano ang naibibigay sa iyo ng mga bagay na ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang praktikal na paraan para mas lumalim ang relasyon mo sa Diyos ngayong linggo at hindi lang basta religious obligation?
• Paano mo mapapaalala sa iyong sarili araw-araw na ang iyong pagkakakilanlan ay nagmumula sa Diyos, hindi sa iyong ginagawa o nakakamit?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit sa paglikha sa atin ayon sa Kanyang imahe at pagpapahayag ng ating halaga bago pa man natin makamit o maisakatuparan ang anumang bagay. Pasalamatan Siya na ang ating pagkakakilanlan ay ligtas dahil tayo ay sa Kanya, hindi dahil sa ating ginagawa. Magpasalamat na nais Niya ng relasyon, hindi lamang obligasyon, at inaanyayahan Niya tayong isuko ang ating buhay sa Kanya. Magalak na ang lahat ng ating pagkatao at lahat ng mayroon tayo ay sa huli ay matatagpuan ang layunin nito sa Kanya.
• Magsisi sa mga pagkakataong lumapit ka sa Diyos nang may pusong transaksyonal sa halip na debosyon at buong pusong pagsuko. Humingi ng kapatawaran sa paghahanap ng iyong pagkakakilanlan sa mga achievements, approval, o mga ari-arian sa halip na maging ayon sa imahe ng Diyos. Ikumpisal ang mga aspeto kung saan mahigpit mong pinanghawakan ang kontrol sa halip na lubos na magtiwala sa Diyos. Manalangin para sa isang nabagong puso na masayang ibinabalik ang iyong buhay sa nararapat na May-ari nito.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.