Close

January 11, 2026

Don’t Settle for Appearances: Mukhang Buhay Pero Walang Bunga

Hindi ang dami ng gawain sa Templo ang ikinagalit ni Hesus, kundi ang kakulangan ng tunay na pagpapahalaga sa pananalangin. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na masusing suriin ang ating mga gawi sa pagsamba at talikuran ang anumang mababaw na pagpapakita na sa panlabas ay maaaring mukhang masigla, ngunit sa loob ay walang laman at hindi namumunga.

Jesus was angered not by the Temple’s bustling activity but rather by its lack of focus on prayer. This Sunday, Ptr. Joseph Ouano encourages us to closely examine our worship practices, urging us to discard any superficial performances that may appear vibrant on the outside but are ultimately empty and fruitless on the inside.


Basahin sa Bibliya

Mark 11:12-26

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang karanasan na nakakita ka ng isang bagay na mukhang maganda o maayos sa labas, ngunit kulang o walang laman sa loob. Ano ang naisip mo? Ano ang sumunod mong ginawa?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit hindi isang simpleng galit o gutom ang dahilan ng curse ni Jesus sa fig tree?
• Ano ang layunin ng Court of the Gentiles? Paano ito inabuso ng mga tao?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong paraan maaaring mukhang buhay ang faith mo, pero kulang sa tunay na bunga? Ano ang sanhi nito?
• Paano mo ilalarawan ang iyong prayer life ngayon? Ano ang ipinapakita ng iyong prayer life tungkol sa lalim ng iyong pananampalataya at pag-asa sa Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong klaseng bunga ang pinapakita ng Diyos na dapat mong mas palaguin sa buhay mo ngayon?
• Anong pagbabago ang pwede mong gawin para mas maging ayon sa kalooban ng Diyos ang panalangin mo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos dahil tinatawag Niya tayo sa isang pananampalatayang hindi lang nakikita sa gawain, kungdi namumunga sa tunay na pagbabago. Pasalamatan Siya dahil inaanyayahan Niya tayong makibahagi sa Kanyang mabubuting plano sa pamamagitan ng panalangin, at ipakita ang Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagpapatawad. Purihin Siya dahil ang Kanyang Salita ay makapangyarihan at laging totoo.
• Pagsisihan ang mga panahong mas pinili mong magmukhang maka-Diyos kaysa mamuhay na may tunay na bunga. Ipahayag mo ang mga pagkakataong naging routine o nakasanayan na lang ang pagsamba at hindi na bukal sa puso. Humingi ng kapatawaran para sa mga panalanging nakatuon lamang sa sarili mong kagustuhan kaysa sa Kanyang kalooban. Magpatawad sa mga pagkakataong nagkimkim ka ng sama ng loob sa halip na magpatawad. Ipanalangin na linisin ng Diyos ang iyong puso upang ang iyong buhay ay tunay na magbigay-luwalhati sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.