Close

September 14, 2025

LORD, Make Me See

Nang unang pagalingin ni Kristo ang bulag na taga-Bethsaida, bahagya pa lamang ang naibalik sa kanyang paningin. Ngunit hindi Siya tumigil doon—nagpatuloy Siya hanggang sa tuluyang manumbalik ang paningin ng lalaki. Ngayong Linggo, sa pamamagitan ng kuwentong ito, ipaliliwanag ni Ptr. Allan Rillera kung paano rin tayo dapat patuloy na magsikap upang lalong luminaw ang ating pagkaunawa kung sino talaga si Kristo.

When Christ first healed the blind man from Bethsaida, the man partially regained his sight. Christ didn’t stop there, however; He persisted until the man’s vision was fully restored. This Sunday, Ptr. Allan Rillera uses this story to illustrate how we should also seek an ever clearer understanding of who Christ is.


Basahin sa Bibliya

Mark 8:22-26

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang sitwasyon na ginamit ng Diyos ang isang paraan na hindi mo inasahan o kakaiba para turuan ka.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit kaya pinili ni Jesus na dalawang beses hawakan ang bulag na lalaki upang pagalingin, at hindi agad-agad?
• Noong mas bago ka pa sa iyong pananampalataya, ano ang isang bagay na hindi mo naiintindihan tungkol kay Jesus na mas naliwanagan ka na ngayon? Paano sumasalamin ang unti-unting paggaling ng bulag na lalaki sa proseso mo at ng mga disciples sa pagkilala kay Jesus?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Saang area ng spiritual life mo parang “malabo” pa ang paningin mo sa Katotohanan na si Jesus ay Panginoon? Namumuhay ka ba nang may buong pusong pagsamba bilang pagtugon sa kaalaman na ito?
• Paano mo naranasan ang dahan-dahan na paggabay sayo ng Diyos para mas makilala mo Siya? Ano ang nakakatulong at nakakahadlang sa iyo na ma-experience ang Panginoon?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong practical step ang pwede mong gawin ngayong linggo para mas maka-focus ang iyong paningin kay Jesus?
• Paano mo tatanggapin nang may pagsunod at pagtitiwala ang mga hindi inaasahang paraan ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin at pasalamatan ang Ama sa Langit dahil Siya ang nagbukas ng iyong mga mata at nag-alis ng iyong pagkabulag. Magpasalamat na dahan-dahan ngunit tiyak ka Nyang ginagabayan tungo sa mas malinaw na pagkakilala kay Jesus.
• Humingi ng tawad sa mga pagkakataon na mas pinili mong umasa sa sariling pag-unawa, sa signs, o sa makamundong pananaw kaysa sa magtiwala sa Diyos. Ipanalangin na alisin Niya ang anumang nagdudulot ng kalabuan sa iyong paningin at na manatili kang nakatingin kay Jesus bilang Panginoon.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.