Ang Pagtanggi ni Christ sa Mayabang na Request
Humingi ang mga mayayabang na Pariseo ng tanda mula sa langit, ngunit tinanggihan ito ni Hesus dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Pastor July David na ang tunay na pananampalataya ay hindi nakabatay sa malinaw na patunay o hindi maipagkakailang ebidensya, kundi nakaugat sa matibay na paninindigan sa katotohanan ng Salita, kapangyarihan, at probisyon ng Diyos—anumang sitwasyon ang ating kinahaharap.
The Pharisees arrogantly demanded a sign from heaven, but Jesus rejected their request because of their unbelief. This Sunday, Pastor July David reminds us that true faith does not insist on irrefutable evidence, but stands firm on the reality of Jesus’ Word, power, and provision, no matter the circumstances.
Basahin sa Bibliya
Mark 8:11-13
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Mag-share ng isang answered prayer o biyaya ni Lord na dati mong binalewala, pero ngayon, na-realize mong malaking bagay pala na ginawa ito ng Diyos.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang problema sa request ng Pharisees na humingi ng sign mula kay Jesus?
• Ano ang ibig sabihin kapag sinabi nating “Si Jesus ay sapat na” kahit walang bagong himala?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• May mga pagkakataon ba na gusto mong i-test si Jesus o hingan Sya ng proof bago ka magtiwala? Bakit o bakit hindi?
• Anong mga blessings ni Lord sa buhay mo na nababalewala? Paano naapektuhan nito ang relasyon mo sa Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano ka magpapakita ng pasasalamat sa mga ginawa na ni Jesus para sa iyo? I-share mo ito sa inyong Life Group, pamilya, o kaibigan para maging accountable ka.
• Ano ang isang bahagi sa buhay mo na kailangan mong bitawan ang pride at ipakita ang pagtitiwala mo kay Jesus sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil sapat na Sya para sa atin. Magpasalamat para sa Kanyang buhay, salita, at kapangyarihan na laging gumagalaw sa ating buhay. Pasalamatan Sya dahil kahit wala nang dagdag na himala, sapat na ang krus at ang muling pagkabuhay ni Jesus bilang patunay ng Kanyang pag-ibig at kapangyarihan.
• Humingi ng kapatawaran para sa mga oras na sinubok mo Sya at humingi ka ng proof o sign bago ka magtiwala. Magsisi sa mga pagkakataong nagduda at binalewala mo ang mga blessings na ibinigay Nya. Ipagdasal na sana ay matuto kang magpakumbaba, tumigil sa pagkakaroon ng matigas na puso, at magpasalamat sa lahat ng sitwasyon habang nagtitiwala sa Kanya nang buo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.