Close

October 6, 2024

The Living Christ at Ang Good News

Bakit napakahalaga ng muling pagkabuhay ni Hesus? Sa linggong ito, ipapaliwanag ni Rev. Mike Cariño kung paano ang muling pagkabuhay ni Hesus ang pundasyon ng ating pananampalataya, pag-asa, at pagbabago.

Why is the resurrection of Jesus so important? This week, Rev. Mike Cariño explains how the Resurrection is the foundation of our faith, hope, and transformation.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 15:1-11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na nakatanggap ka ng magandang balita at kung paano nito binago ang iyong pagiisip o pananaw sa isang sitwasyon. Sa tingin mo, bakit ganon ang epekto nito sayo? Paano mahahalintulad ng iyong tugon sa mabuting balitang iyon sa nung una mong narinig/naunawaan ang Gospel?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang main point ng Gospel? Ano ang kabuluhan ng pagkabuhay ni Jesus sa kabuuan ng Gospel?
• Ano pang mga talata sa Bible na tumutukoy sa kamatayan, paglilibing, at muling pagkabuhay ni Jesus. Bakit mahalaga ang mga pangyayaring ito?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang epekto ng Good News sa iyong pananampalataya? Pakiramdam mo ba ay mahigpit mong pinanghahawakan ang katotohanang ito, o mayroon bang mga aspeto kung saan nahihirapan kang panindigan ito? Ano kaya ang makakatulong sa iyo na matugunan ang mga ito?
• Meron ka bang pananampalataya, pag-asa, at pagbabago sa iyong buhay? Ano sa tingin mo ang dahilan nito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano ma mas intentional na panghahawakan ang Good News at maisabuhay ito sa iyong pang-araw-araw na buhay, lalo na kapag nahaharap ka sa mga hamon o pagdududa?
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ngayong linggo para mas magkaron ka ng kumpyansa na dalhin at maging Good News sa iba? Paano nangungusap sayo ang Diyos kung paano mo ibabahagi ang Gospel?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon para sa muling pagkabuhay ni Jesus, na nagdadala sa atin ng Good News ng kaligtasan at buhay na walang hanggan kasama Nya. Magpasalamat sa Kanya sa pangangaral ng Gospel na umakay sa atin sa pananampalataya, at sa patunay ng muling pagkabuhay na nagpapatibay sa ating pagtitiwala sa pagbabahagi ng Good News na ito. Magalak sa kapangyarihan ng muling nabuhay na Kristo na nagbabago sa atin mula sa pamumuhay sa kadiliman tungo sa pagtanggap ng Kanyang kabutihang loob, na ginagawa tayong mga katuwang sa Kanyang gawain.
• Magsisi sa mga panahong hindi mo lubos na pinanghawakan ang Good News o pinahintulutan ang pagdududa na pahinain ang iyong pananampalataya. Humingi ng kapatawaran sa pag-aatubili na ibahagi ang Gospel sa iba, sa kabila ng malinaw na patunay ng muling pagkabuhay ni Kristo. Manalangin para sa pagpapakumbaba at kabutihang loob upang tanggapin kapangyarihan ni Kristo na nakapagbabago sa iyong buhay, at para sa lakas na isabuhay ang Good News sa bawat aspeto ng iyong paglalakbay sa buhay kasama Nya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.