Without Love, Wala Akong Kwenta
Gaano man kahanga-hanga ang isang kakayahan, ito ay nawawalan ng kabuluhan at saysay kung walang pag-ibig. Sa linggong ito, ipinapaalala ni Rev. Mike Cariño na ang magandang pagsasalita, malalim na karunungan, matatag na paniniwala, at malalaking sakripisyo ay walang kabuluhan kung hindi natin gagamitin ang mga ito nang may pagmamahal sa kapwa.
Great abilities that are devoid of love are empty and meaningless. This week, Rev. Mike Cariño reminds us that our impressive speech, expert knowledge, strong belief, and great sacrifices are useless if done without love.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 13:1-3
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano mo masasabi na “spiritually mature” ang isang tao? Ibahagi kung ano ang nakaimpluwensya sa iyong pananaw. Sa anong mga aspeto ito nakaayon (o hindi nakaayon) sa kahulugan na ibinibigay ng Bible?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang main point ng vv.1-3? Paano ito naaangkop sa nangyayari sa simbahan ng Corinto?
• Ano ang kaugnayan ng pagmamahal at mga spiritual gifts?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang iyong reaksyon kapag nakilala/nakausap mo ang isang taong hindi sumasang-ayon o naiiba sa iyo? Ang iyong tugon ba ay nagpapakita ng pagmamahalna ayon sa Bible?
• May mga pagkakataon ba na mahusay kang magsalita o nagbahagi ka ng kaalaman pero walang pagmamahal? Paano ito nakakaapekto sa iyong mga relasyon sa iba?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga partikular na aksyon ang maaari mong gawin ngayong linggo upang matiyak na ang iyong mga salita at kilos ay nagmumula sa pagmamahal sa halip na pansariling pakinabang?
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang suriin at muling iayon ang iyong mga motibo, na tinitiyak na ang pagmamahal ang nasa sentro ng lahat ng iyong ginagawa?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang walang-hanggang pagmamahal na nagbibigay ng tunay na kahulugan at layunin sa ating buhay. Magpasalamat sa Kanya sa mga spiritual gifts na ipinagkaloob Niya sa atin. Ipahayag ang iyong pasasalamat na ang Kanyang pagmamahal ang pundasyon na nagpapahalaga sa mga kaloob na ito. Gamitin ang oras na ito para alalahanin na ang pagmamahalang pinakamalaking sukatan ng ating spiritual maturity at na Siya ang ating halimbawa ng perpektong pagmamahal.
• Magsisi sa mga pagkakataon na umasa ka sa iyong mga spiritual gifts, kaalaman, at sakripisyo nang walang pagmamahal. Humingi ng kapatawaran para sa mga sandali na ang iyong mga aksyon ay hinimok ng makasariling ambisyon sa halip na sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos. Hilingin sa Diyos na tulungan kang makita kung saan ka nagkulang sa pagmamahal sa iba, at i-renew ang iyong mga puso upang ang lahat ng iyong ginagawa ay mag-ugat sa Kanyang pagmamahal.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.