Close

August 11, 2024

Iba’t Ibang Parts, Iisang Body

Tulad ng isang katawan na may iba’t ibang bahagi at gawain, tayo ay magkakaiba pero nagkakaisa kay Kristo. Ngayong linggo, ipinaalala ni Ptr. July David na bilang simbahan ng Diyos, dapat nating itigil ang diskriminasyon at ipagdiwang ang ating mga pagkakaiba dahil lahat tayo ay nagkakaisa kay Hesus at pinagkalooban ng iisang Espiritu.

We are like one body with different parts and functions, but we are united in Christ. This week, Ptr. July David reminds us that, as God’s church, we must stop discrimination and celebrate our differences because we are all united in Jesus and gifted with the same Spirit.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 12:12-31

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon kung kailan ginamit ng isang Kristiyano ang kanilang spiritual gift para tulungan o hikayatin ka. Paano ito nakaapekto sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang punto ng pagsasalarawan sa iba’t ibang bahagi ng katawan (vv.15-16)? Paano ito naaangkop sa mga spiritual gifts? Paano naakma ang v.17 sa illustration?
• Ano ang matututuhan mo tungkol sa pangangasiwa ng iyong mga spiritual gifts mula sa Parable of the Talents (Matthew 25:14-30)?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Napapansin mo ba sa iyong sarili na hinuhusgahan o nilalait ang iba batay sa kanilang mga spiritual gifts? Paano mo mababago ang saloobing ito upang itaguyod ang pagkakaisa sa Espiritu?
• Talaga bang tinatanggap at ipinagdiriwang mo ang pagkakaiba ng iyong mga kapatiran sa pananampalataya? Paano mo mas mapahahalagahan ang mga natatanging tungkuling ginagampanan ng iba sa simbahan?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tukuyin ang mga tiyak na paraan na maaari mong ipagdiwang at ma-suportahan ang mga pagkakaiba ng mga nakapaligid sa iyo sa simbahan. Paano mo ipapatupad ang mga pagkilos na ito ngayong linggo?
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang itigil ang diskriminasyon at itaguyod ang pagkakaisa sa loob ng iyong komunidad sa simbahan?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa pagkakaisa ng katawan ni Kristo at pasalamatan Siya sa pag-baptize sa atin sa isang Katawan sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa magkakaibang spiritual gifts na ipinagkaloob Niya sa atin, bawat isa ay nag-aambag sa pagtatayo ng Kanyang simbahan. Magpasalamat sa Kanya sa katangi-tanging paraan ng pag equip sa atin upang paglingkuran ang isa’t isa at luwalhatiin ang Kanyang Pangalan.
• Lumapit sa Ama sa Langit na may pagsisisi para sa anumang damdamin ng inggit o pagmamataas tungkol sa iyong mga spiritual gifts. Humingi ng kapatawaran sa mga panahong nadama mong hindi ka mahalaga o sobrang mahalaga batay sa mga kaloob na taglay mo. Ipagdasal na maintindihan mo ang halaga ng bawat spiritual gift at mapagpakumbaba kang makiisa sa iba habang hinahangad mong patatagin ang katawan ni Kristo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.