The Lord’s Table: Bakit Ito Mahalaga?
Hindi natin iginagalang ang banal na komunyon kapag nakikibahagi tayo rito habang ang puso natin ay puno ng alitan at pagkamakasarili. Sa linggong ito, tatalakayin ni Rev. Mike Cariño ang importansya ng Hapunan ng Panginoon at kung bakit kailangan nating pagnilayan ang kahalagan nito tuwing tayo ay nakikibahagi sa pag-alaala sa Kanya.
We dishonor the holy communion when we partake of it with strife and selfishness in our hearts. This week, Rev. Mike Cariño shares the importance of the Lord’s Supper and explains why we must reflect on its significance when we observe it in remembrance of Him.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 11:17-34
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ang isang pagkakataon habang Lord’s Supper kung saan mas lumalim ang pagkakaunawa mo sa sakripisyo sakripisyo ni Hesus.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Naniniwala ang ilan na ang tinapay at baso ay literal at pisikal na nagiging katawan at dugo ni Jesus kapag nakibahagi ka sa kanila. Paano ka matutulungan ng talatang ito na tumugon sa kanila?
• Paano nauugnay ang Lord’s Supper sa pagdiriwang ng Passover?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo pinahahalagahan ang sakripisyo ni Hesus at kung paano nito tinutupad ang Passover sa Lumang Tipan? Paano ito nakakaapekto sa iyong pakikipagtipon para sa Lord’s Supper?
• Paano mo inihahanda ang iyong puso bago makibahagi sa Lord’s Supper? Sinusuri mo ba talaga ang iyong buhay at humihingi ng kapatawaran? Paano mo matitiyak na magawa mo ito nang may tamang puso at paggalang?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang maaari mong gawin upang mapanatiling buhay ang pag-asam sa pagbabalik ni Kristo sa iyong pang-araw-araw na buhay at sa tuwing nagdiriwang ng Lord’s Supper?
• Paano mo aktibong maipapakita ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao sa iyong church community?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa kaloob na kaligtasan at sakripisyo ni Hesus. Magpasalamat sa Kanya para sa Lord’s Supper, na nagbibigay daan sa atin na alalahanin ang Kanyang pag-ibig at biyaya, ipagdiwang ang ating pagtubos, at asahan ang pagbabalik ng ating Tagapagligtas.
• Lumapit sa Panginoon nang may pagsisisi sa mga panahong tumatanggap ka ng Lord’s Table nang may hating puso at hindi wastong paggalang. Humingi ng kapatawaran sa pagpapabaya sa pagbabahagi ng Kanyang pagmamahal sa iba at sa hindi pagsusuri sa iyong buhay bago makibahagi sa Lord’s Supper. Hilingin sa Diyos na tulungan kang ihanda ang iyong puso at mamuhay sa pagkakaisa at pagmamahalan habang iginagalang mo ang Kanyang sakripisyo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.