Pagsuko sa ating Karapatan for the Sake of the Gospel
Bakit handa si Pablo na isuko ang kanyang mga karapatan para sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita? Sa linggong ito, ipapaliwanag ni Pastor Joseph Ouano kung paano mas malayo ang ating mararating kapag handa tayong isuko ang ating mga karapatan para sa kapakanan ng Gospel.
What logical reason did Paul have for willingly giving up his rights to make the Gospel accessible to all? This week, Pastor Joseph Ouano explains how we have much more to gain when we’re willing to surrender our rights for the sake of the Gospel.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 9:15-27
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang karanasan kung saan ikaw ay nagsakripisyo para sa iyong pananampalataya. Paano ito nakaapekto sa iyong spiritual na paglago at sa iyong relasyon sa Diyos?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ipaliwanag kung paano ito nauugnay sa pagiging malaya na nakasulat sa chapter 8.
• Ano ang ibig sabihin na ang mga Jews ay sumusunod sa Law ni Moses (v.20)? Naaangkop din ba ito sa atin bilang mga Kristyano sa panahon ngayon? Ipaliwanag ito at magbahagi ng Bible verses na basehan mo sa pagpapaliwanag.
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Gaano kabukal sa iyong kalooban na isantabi ang iyong mga karapatan at kagustuhan at maging “alipin sa lahat” (v.19) tulad ni Paul upang ibahagi ang Magandang Balita sa mga tao na may iba’t ibang kultura at pamantayan? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?
• Suriin ang level ng iyong disiplina sa iyong spiritual life. Sa pagserve mo kay Jesus, mas nakatuon ka ba sa mga pansamantalang prize ng mundo o sa gantimpalang hindi nasisira magpakailanman?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Mag-isip ng isang tao na iba ang kultura o social background sayo na maaaring kang magbahagi ng Magandang Balita. Paano ka magiging alipin sa kanya/kanila sa paraan na magbibigay galang sa kanilang kultura nang hindi kinokompromiso ang Magandang Balita?
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong umpisahan upang lumago at sumailalim sa disiplina upang makamit ang walang-hanggang gantimpala?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Ama sa Langit sa Magandang Balita na binibigay sa atin dahil sa Kanyang kabutihang loob. Purihin Siya dahil sa exampl ni Paul na taos-pusong sinakripisyo ang kanyang karapatan alang-alang sa pagbahagi ng Magandang Balita. Magpasalamat sa Kanyang walang-hanggang gantimpala na Kanyang ipinangako sa mga tapat na nagse-serve sa Kanya.
• Lumapit sa Diyos nang may pagsisisi sa mga panahon na mas pinahalagahan natin ang ating karapatan at kaginhawaan imbes na magsakripisyo alang-alang sa Magandang Balita. Humingi ng kapatawaran sa mga sandaling hindi tayo nakapag-serve tulad ni Paul at sa mga sandaling pinabayaan natin ang pagkakaroon ng disiplina upang makamit ang walang-hanggang gantimpala. Ipagdasal na palakasin tayo ng Diyos at bigyan Niya tayo kahabagan na talikuran ang pagiging makasarili at mag-focus na mamuhay na nakatuon sa Kanya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.