Close

June 2, 2024

A Singular Christian

Madalas minamadali ang pag-aasawa dahil sa iba’t ibang pressure sa ating kultura ngayon. Itong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Jared Co na bagama’t isang mahalagang desisyon sa buhay ang pagpapakasal, ito ay may mas mataas na layunin na higit pa sa pagtupad lamang ng ating pansamantalang makamundong pangangailangan.

Our culture often pressures us to rush headlong into marriage. This week, Ptr. Jared Co reminds us that while marriage is an important life decision, it serves a higher purpose for believers than merely fulfilling a transient worldly need.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 7:25-40

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang karanasan kung saan ang iyong life status (single, in a relationship, married) ay nakatulong o nakahadlang sa iyong pakikilahok sa ministry. Paano mo natugunan ang anumang mga challenge na dumating? Ano ang itinuro sa iyo ng Diyos sa panahong iyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang “paghihirap ngayon” o “present crisis” na tinutukoy ni Paul (v.26)? Naaangkop ba ito sa mga Kristiyano ngayon?
• Paano naiiba ang tinuturo ng Bibliya sa pag-aasawa at pagiging single sa iyong sariling paniniwala at ng lipunan?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Pagnilayan ang iyong mga motibo at saloobin sa pagsunod sa Diyos. Sa iyong pagsunod sa Diyos, ginagawa mo ba ito nang dahil sa obligasyon o ikinatutuwa mong sundin Siya? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo sa pagsunod sa Panginoon nang may kagalakan?
• Sa anong mga paraan ka nakakaramdam ng pressure tungkol sa iyong life status? Paano makatutulong ang pagtuon ng buong puso sa Diyos na mapawi ang pressure na iyon?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang matiyak na ang iyong pangunahing layunin sa buhay ay ang magbigay-luwalhati sa Diyos sa lahat ng iyong ginagawa, at na si Jesus ang iyong ultimate source ng fulfillment?
• Tukuyin ang isang paraan na magagamit mo ang iyong life status para paglingkuran ang Diyos at magbigay-luwalhati sa Kanya. Paano mo ito sisimulan ngayong linggo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa walang katapusang karunungan at patnubay na ipinahayag sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa kalinawan sa talata ngayon, na tumutulong sa atin na maunawaan ang kahalagahan ng ating life status, single man o may asawa. Magpasalamat sa Diyos sa pagpapaalala sa atin na ang pagiging single at pag-aasawa ay Kanyang mga regalo, at ang ating pangwakas na katuparan ay matatagpuan sa ating kaugnayan kay Jesus. Ipanalangin na patuloy mong makita ang Kanyang mga pagpapala sa iyong buhay at gamitin ang mga ito upang magbigay-luwalhati sa Kanya.
• Lumapit sa Ama sa Langit nang may pagsisisi sa mga panahong inuna mo ang panandaliang makamundong bagay kaysa sa iyong pangako sa Kanya. Humingi ng kapatawaran sa pagpapahintulot sa iyong mga relasyon, kagalakan, at mga ari-arian na makagambala sa iyong paglilingkod sa Kanya at sa iyong paghahangad ng kabanalan. Humiling ng karunungan at kalakasan sa Diyos upang maiayon ang iyong mga priyoridad sa Kanyang Salita, upang makita na ang mga bagay sa mundo ay panandalian lamang, at ituon ang puso sa walang hanggang biyaya ng Diyos sa pamamagitan Jesus.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.