Ang Sagot ni Jesus sa Tanong Tungkol sa Marriage at Divorce
Tinugunan ni Hesus ang isyu ng diborsiyo sa pamamagitan ng pagtuturo tungkol sa layunin ng Diyos para sa pag-aasawa. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. July David na galangin ang banal na disenyo ng kasal sa pamamagitan ng pagharap sa katigasan ng ating puso laban sa kalooban ng Diyos, at sa pagtataguyod ng karangalan ng bawat tao sa pamamagitan ng katotohanan, biyaya, at pagmamahal.
Jesus addressed the issue of divorce during His time by teaching about God’s purpose for marriage. This Sunday, Ptr. July David encourages us to respect the sacred design of marriage by confronting the hardness of our hearts against God’s will, while dignifying people with truth, grace, and love.
Basahin sa Bibliya
Mark 10:1-12
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Bakit kaya minsan mahirap magpatawad o manatili sa isang commitment?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit bumalik si Jesus sa Genesis nang mapagusapan ang diborsiyo? (vv.6–9)
• Ano ang ipinapakita ng sinabi ni Jesus tungkol sa “matitigas na puso” bilang ugat ng diborsiyo? (v.5) Paano natin ito nakikita ngayon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano ka karaniwang tumutugon kapag nahaharap sa pagsubok ang mga relasyon mo? Ipinaglalaban mo ba ang pagkakaisa o humihiwalay ka? Saan nag-uugat ang pagtugon na ito?
• May mga bahagi ba ng puso mo na kailangan palambutin ng Diyos (tulad ng pride, unforgiveness, or fear of commitment)?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kung ikaw ay nasaktan o nakakita ng mga broken relationships, paano mo gagamitin ang mga naranasan mo upang maipakita ang katotohanan at biyaya sa taong may pinagdadaanan sa kanilang relasyon?
• Sa mga married: Ngayong linggo, ano ang pwede mong gawin para mas piliin mo ang pagkakaisa araw-araw?
• Sa mga single: Paano mo maihahanda ang iyong puso upang igalang ang kasal bilang sagrado (sacred)?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit sa pagdisenyo ng kasal bilang isang banal na pangako na sumasalamin sa Kanyang pag-ibig at katapatan. Pasalamatan Siya na sa pamamagitan ni Jesus, ibinabalik Niya ang mga pusong sawi at inaayos ang mga relasyon. Magalak na ang Kanyang katotohanan ay laging nababalot ng biyaya—na tinatawag Niya tayo hindi sa kahihiyan kungdi sa pagpapagaling, pagkakaisa, at pag-ibig na nananatili.
• Magsisi sa mga pagkakataong hinayaan mong sirain ng pagmamataas, kapaitan, o katigasan ng puso ang pagkakaisa sa mga relasyon. Humingi ng tawad sa paghusga sa iba sa halip na magpakita ng malasakit na tulad ni Christ. Manalangin para sa isang pusong nagpapahalaga sa disenyo ng Diyos, mabilis na nagpapatawad, at nagbibigay-dangal sa bawat tao—may asawa, walang asawa, o hiwalay—ng katotohanan at biyaya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
