Devoted to You
Laganap sa ating mass at social media ang baluktot na pananaw tungkol sa sex. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Renz Raquion na may asawa man o wala, sikapin nating mamuhay nang dalisay at buong-pusong sundan and disenyo ng Diyos para sa sex.
We live in a world filled with sexual distractions especially in mass and social media today. This week, Ptr. Renz Raquion reminds us that—whether we’re married or single—our lives should reflect a wholehearted commitment to sexual fidelity and purity in accordance with God’s design.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 7:1-9
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung paano mo pino-protektahan ang iyong puso, isip, at pagkilos sa mga sexual distractions ng mundo.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang matututunan natin tungkol sa mga hangganan at layunin ng sex? (vv.1-4)
• Nagiging normal naba para sa mga tao na makipagtalik bago magpakasal o maging “live-in” partners para makita kung magkatugma sila. Gamit ang talata ngayon at iba pang mga talata at prinsipyo sa Bibliya, ipahayag kung ano ang dapat nating panindigan bilang mga Kristiyano.
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ipaliwanag ang mga benepisyo at responsibilidad ng pagiging single at pagkakaroon ng asawa. Sinadya mo bang isabuhay ang mga ito sa iyong kasalukuyang panahon bilang single/may asawa?
• Suriin ang iyong sarili: Kontento ka ba sa iyong kasalukuyang estado (single o may asawa)? Paano mo hina-handle ang mga damdamin ng pagnanasa o tukso, at anong suporta ang mayroon ka para tulungan ka?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan ka nagsisikap na ipakita ang wholehearted commitment mo sa mga purposes ng Panginoon sa iyong pang-araw-araw na buhay, single ka man o may asawa?
• Sa may asawa: Devoted ka ba sa iyong asawa sa iyong mga kilos at ugali? Paano mo matitiyak na mananatili kayong devoted sa isa’t isa?
• Paano ninyo (iyong Life Group, pamilya, mga kaibigan) mahihikayat at susuportahan ang isa’t isa sa pagtataguyod ng kabanalan ng kasal at pag-iwas sa sekswal na imoralidad?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos para sa magandang disenyo na Kanyang nilikha para sa ating mga relasyon. Purihin Siya sa karunungan at patnubay na ibinigay Niya sa Kanyang Salita, na nagtuturo sa atin tungkol sa kadalisayan, tungkulin, at mga natatanging kaloob na ibinigay Niya sa bawat isa sa atin. Magpasalamat sa Kanya sa kagalakan at katuparan na nagmumula sa pagsunod sa Kanyang mga alituntunin at sa lakas na mapanatili ang kadalisayan sa ating buhay.
• Lumapit sa Ama sa Langit nang may pagsisisi sa mga panahong nabigo mong itaguyod ang kabanalan ng kasal at kadalisayan sa iyong mga relasyon. Humingi ng kapatawaran para sa anumang pagkukulang o pagpapabaya sa iyong mga tungkulin sa iyong asawa/sa future na asawa. Hilingin sa Diyos na tulungan kang tumalikod sa tukso at hanapin ang Kanyang katuwiran. Manalangin para sa biyayang ibalik at patatagin ang iyong mga relasyon ayon sa Kanyang kalooban, at malinis mula sa pagkakasala at kahihiyan ng mga nakaraang pagkukulang.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.