Close

April 21, 2024

Following in the Footsteps of Jesus

Marami sa atin ang takot na maging disipulo at magdisipulo ng iba dahil iniisip natin na napakabigat ng mga gawaing ito. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Genesis Tan na sundan ang mga yapak ni Hesus sa pagdidisipulo. Siya ang nagbibigay ng lakas sa mga ordinaryong tao upang maisakatuparan ang Kanyang kamangha-manghang gawain.

Many of us are afraid of becoming disciples or discipling others because we see these as intimidating and weighty tasks. This week, Rev. Genesis Tan invites us to faithfully follow in Jesus’ footsteps of making disciples, drawing strength from Him who uses ordinary people to do His extraordinary work.


Basahin sa Bibliya

Matthew 28:18-20 | Revelation 7:9-12 |John 1:40-42

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi tungkol sa mga taong nagpakilala sayo kay Jesus. Ano ang natutunan mo mula sa kanila?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Pagnilayan ang iyong kaalaman tungkol sa pagdidisipulo bago at matapos mapakinggan ang mensahe. Naaayon ba ang iyong pag-unawa sa itinuturo ng Bible? Paano nagbago ang iyong pananaw?
• Bakit discipleship ang pangunahing misyon ng Church? Bakit ito inutos ni Jesus para sa lahat ng mananampalataya?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Maging tapat: Ihahalintulad mo ba ang discipleship bilang battleship o cruise ship? Sa palagay mo, ano ang nag-impluwensya sa iyong pananaw tungkol sa discipleship?
• Naniniwala ka ba na kayang gumawa ng hindi karaniwang gawain ang Diyos sa pamamagitan mo? Ano ang naghihikayat o humahadlang sayo sa pagkilos patungo sa pagsunod sa Kanyang utos tungkol sa pagdisciple?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Pagnilayan: Sinu-sino ang mga taong maaari mong dalhin o ipakilala si Jesus? Maaaring myembro ng iyong pamilya, kaibigan, kaklase, katrabaho, kasosyo, o taong madalas mong nakakasalamuha.
• Pagtugunan: Alin sa apat na hakbang para dalhin ang mga tao kay Jesus ang nais ng Diyos na gawin mo? Gumawa ng planong pagkilos kung paano mo ipapatupad ang bawat hakbang. Siguraduhing ibahagi ito sa iyong Life Group o sa iyong accountability partner.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos sa biyaya na pagdidisipulo at sa oportunidad na sumunod sa yapak ni Jesus. Purihin Siya sa Kanyang walanghumpay na pag-ibig, sa mga oras na ginagabayan at pinapalakas Nya ang ating pananampalataya. Magpasalamat sa pribilehyong maging parte na Kanyang Church, na tinawag upang magdisciple at ibahagi sa mga tao ang Magandang Balita.
• Ihingi ng tawad sa Diyos ang mga panahong nakaligtaan mong gawing prayoridad ang pagsunod kay Jesus at magdisipulo. Magsisi sa iyong kawalang-interes, at humingi ng kapatawaran sa Kanya sa mga panahong umiwas ka sa gulo at sakripisyong dulot ng pagiging disipulo. Hilingin sa Diyos na tulungan kang talikuran ang sarili mong mga hangarin at layunin, at lubusang sundin ang Kanyang kalooban, upang bigyan ka Niya ng lakas at katatagan ng loob sa pagtanggap ng mga challenge ng pagdidisciple ng buong puso.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.