Christian Leaders Na Dapat Sundan
Maihahalintulad ang mabuting lider sa isang espirituwal na ama na nagbibigay gabay at patnubay para sa paglago ng ating espirituwal na buhay. Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Mike Cariño ang mga katangian ng mga mabuting Kristiyanong lider na dapat nating sundan.
Good leaders are like spiritual fathers who guide us as we mature in our spiritual life. This week, Ptr. Mike Cariño shares the traits of good Christian leaders we can follow as they imitate Christ on the road to spiritual maturity.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 4:1,14-21
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang spiritual leader na gumabay sa iyo sa iyong faith journey. Paano siya nag-lead bilang isang humble servant, encouraging parent, good teacher, at authority who corrects you in love? Ano ang mga natutunan mo sa kaniya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano binibigyang-diin ni Paul ang balanse sa pagitan ng awtoridad at pagmamahal sa kanyang diskarte sa disipilina bilang spiritual leader? Magbigay ng mga halimbawa ng kasalukuyang mga pangyayari kung saan maaari kang gumamit ng awtoridad sa pag-ibig.
• Tukuyin kung saan pa sa Bibliya makikita ang mga paglalarawan at tagubilin kung paano dapat mamuno ang mga spiritual leader.
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Masasabi mo ba na ikaw ay parang isang spiritual parent na may dignidad, paggalang, at malalim na pagmamahal sa mga tao? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo maging ganoon?
• Mayroon bang dapat ituwid ang Diyos sa iyong buhay ngayon? A sinful habit or attitude? A needed adjustment in priorities?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kahit na hindi ka pa lider ng Life Group o Journey Group, may impluwensya ka bilang isang Kristiyano sa mga tao sa paligid mo, gaya ng kapamilya, kaibigan, katrabaho, o kaklase mo. Sa anong mga paraan ka maaaring magsikap na maging consistent at aligned sa Bibliya ang iyong pagtuturo at halimbawa?
• Alin sa apat na katangian ng isang spiritual leader ang struggle mo? Sa anong mga tiyak na paraan maaari mong maipakita ang mga katangiang ito sa iyong mga disciple-making relationships? (Paalala sa mga lider: Kahit na hindi pa disciplers ang iyong mga miyembro, maaari itong i-apply sa kanilang circles of influences. Maaari mo ring gawin itong pagkakataon para hamunin silang magsimula sa paglilingkod o pagdidisipulo sa isang tao.)
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Ipahayag ang iyong pasasalamat sa mga Christian leaders na inilagay ng Diyos sa ating buhay. Magpasalamat sa Panginoon para sa kanilang sakripisyong paglilingkod, mahabagin na pag-ibig, tapat na pagtuturo, at matapang na pagtutuwid. Purihin Siya sa paggabay at pagsangkap sa kanila para pamunuan tayo nang may pagpapakumbaba at integridad, na nagpapakita ng halimbawa ni Jesus. Magpasalamat sa Diyos para sa mga paraan kung saan inaalagaan at pinalalakas nila ang ating pananampalataya, na nagtuturo sa atin patungo sa mas malalim na lapit sa Kanya.
• Kilalanin ang iyong mga pagkukulang sa pagtugon sa pamumuno na ibinigay ng Diyos. Humingi ng kapatawaran para sa mga pagkakataon na nagyabang ka sa iyong sariling pang-unawa o hindi ka sumunod sa patnubay ng Kanyang mga spiritual leaders. Hilingin sa Diyos na tulungan kang magsisi sa anumang mga ugali o kilos na humahadlang sa iyong paglago at pagkakaisa sa loob ng katawan ni Jesus. Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng grace para magpasakop nang may pagpapakumbaba sa Kanyang mga itinalagang pinuno.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.