The Church is God’s Temple
Tayo ang Templo ng Diyos. Siya ang nag-aalaga at naghahanda sa atin para sa Kanyang gawain. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na umiwas sa mga pag-aaway at panibibugho na sumisira sa Kanyang templo. Ang Diyos ang susuri, susubok,at maghahatol sa gawain ng bawat miyembro ng Kanyang sambahayan.
We are God’s Temple; He takes care of us and readies us to do His work. This week, Ptr. Allan Rillera reminds us to avoid the quarrels and jealousy that destroy God’s Temple because our Lord will inspect, test, and judge the work of every member of His Church.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 3:5-17
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang pagkakataon na naramdaman mong kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa iyong buhay upang ihayag at gabayan ka ng Katotohanan. Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng karanasang ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ipinapahiwatig ng Panginoon sa iyo sa pamamagitan ng mensaheng ito?
• Ano ang nais iparating ng mensaheng ito sa ating relasyon sa isa’t isa? Magbigay ng halimbawa kung paano mape-praise ang Paninoon sa ating mga relasyon.
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kilalanin kung ano ang iyong mga tungkulin at gawain ayon sa ipinagkaloob ng Diyos. Ginagamit mo ba ang mga ito para paglingkuran ang Diyos o ang iyong sarili? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito para sa Diyos?
• Paano naaapektuhan ang pagkakaunawa mo na ikaw ay isang espirituwal na templo ng Diyos sa iyong sense of purpose at identity? Mapapansin ba ng mga tao na ikaw ay nabubuhay sa Espiritu?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Bilang mga Christians, sa anong mga tiyak na paraan natin maipapakita na ang Espiritu ng Diyos ay nanahanan sa atin?
• Anong mga praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang itaguyod ang wastong pundasyon sa Panginoon at pagkakaisa ng Sambahayan? Para may accountability, maaari mong pag-usapan ito kasama ang iyong Life Group, pamilya, at komunidad.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Lumapit sa Ama sa Langit na may pusong puno ng pasasalamat at papuri. Magpasalamat sa Kanya para sa mga seeds ng Gospel na itinanim sa iyong buhay at para sa mga tagapayo at pinuno na nagdidilig at nag-aalaga sa iyong espirituwal na pag-unlad. Magpasalamat din sa Kanya para sa patuloy na gawain ng Espiritu, na nagdulot sa iyo na lumago at magbunga sa iyong paglalakbay kasama Siya. Purihin Siya sa pagiging Master Builder, na naglalagay ng matatag na pundasyon sa iyong buhay sa pamamagitan ng Katotohanan at ng Krus. Ipahayag ang iyong pasasalamat sa katiyakan na, bilang Kanyang Sambahayan, itinalaga ka bilang banal.
• Mapagpakumbaba na kilalanin na may mga pagkakataon na pinahintulutan mo ang mga hangarin maliban sa Kanya na maimpluwensyahan ang pundasyon ng iyong buhay. Humingi ng kapatawaran para sa mga sandali kung kailan ka nakagawa ng mga bagay na hindi naaayon sa Kanyang Salita at para sa mga oras na nanghina ka sa panahon ng mga pagsubok sa halip na lumago sa tulong ng Diyos. Magsisi para sa anumang mga aksyon o pagpili na nakakompromiso ang kabanalan ng templong tinitirhan Niya. Hilingin sa Diyos na tulungan kang maging mas intensyonal sa iyong mga pagpili at mamuhay sa paraang tunay na nagpapakita ng iyong pagkakakilanlan bilang Kanyang banal na templo. Ipanalangin na patuloy kang patnubayan ng Espiritu sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang kalooban at palakasin kang sumunod.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.