Close

February 18, 2024

Grow Up, Wise Up, Look Up: Magpakatotoo ka!

Hinahangad ng isang tunay na mananampalataya ang maging “mature” sa salita at gawa, lalo na sa pakikitungo sa ibang tao. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. July David na palaguin ang ating pananampalataya sa Diyos, gayundin ang ating pag-uugali at pakikitungo sa iba bilang mga tunay na alagad ni Kristo.

A true believer seeks maturity in word and deed, especially in how s/he relates to others. This week, Ptr. July David urges us to pursue growth and maturity in our faith, conduct, and relationships with others as true disciples of Christ.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 3:1-5

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang aspeto sa iyong buhay kung saan nakikita mo ang paglago. Ano ang nakatulong sa pagbabagong iyon? Alam mo ba na ikaw ay lumago? Tinanggap mo ba ito o sinubukan mong pigilan?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano mo nakikita ang problema sa Corinth ng hindi lumalaki o lumalago/may pag-uugali na pareho sa mundo sa mga simbahan ngayon?
• Magbigay ng mga karagdagang sitwasyon at mga halimbawa (parehong halata at hindi masyado) kung saan ang makamundong pag-uugali ng mga Corinthians (pagseselos, pag-aaway, pagkakabaha-bahagi) ay makikita sa mga Kristiyano ngayon.

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Ano ang humahadlang sa iyo na piliin ang masustansiyang espirituwal na pagkain (Bible)?
• Paano narereflect ang iyong relasyon sa Diyos sa mga relasyon mo sa kapwa Kristiyano at hindi mananampalataya?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tukuyin ang isang aspeto sa iyong buhay kung saan kailangan mong maglaan ng mas maraming oras para sa espirituwal na paglago. Paano mo aktibong ipagpapatuloy ang paglago sa iyong relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, paglilingkod, at mas malalim na relasyon sa iba?
• Suriin ang iyong pag-uugali bilang isang mananampalataya. Sa anong specific na mga paraan mo maipapakita ang kapuri-puri na pagkilos na nagpapakita ng iyong pagkakakilanlan bilang anak ng Diyos?
• Suriin ang iyong debosyon. Mayroon bang mga aspeto kung saan may tendency kang magbigay ng katapatan, karangalan, at kapurihan sa mga indibidwal kaysa sa Diyos? Paano mo aktibong itutuon ang iyong puso na kay Kristo lamang sa maliit at makabuluhang aspeto ng iyong buhay?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Ama sa Langit para sa kaloob ng Holy Spirit, na nagde-dwell sa loob natin dahil sa pananampalataya natin kay Jesucristo at nagdudulot ng pagbabago sa ating buhay. Purihin Siya para sa disiplina na Kanyang itinanim sa iyo, na nagpapahintulot sa iyo na maantala ang kasiyahan at piliin ang landas ng espirituwal na maturity. Magpasalamat sa Kanya para sa Kanyang Salita na nagpapalusog sa ating mga kaluluwa, na gumagabay sa atin mula sa espirituwal na kamusmusan hanggang sa mas malalim na katotohanan.
• Mapagpakumbaba na kilalanin ang mga aspeto sa iyong buhay kung saan ipinakita mo ang makamundong pag-uugali. Magsisi sa mga panahong hindi mo Siya nabigyan ng tamang katapatan, karangalan, at kapurihan. Humingi ng tulong para maituwid Niya ang iyong landas at tulungan kang maging mas matatag sa iyong paglalakbay sa paglago sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.