The Messengers of the Cross
Ang masyadong mataas na pagtingin sa ating sariling lakas, talento, at pagsisikap ay nagdudulot ng dibisyon sa simbahan. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Rev. Michael Cariño na bilang mga mananampalataya, wala tayong maipagmamayabang kung hindi si Kristo lamang. Tanging dahil sa Kanyang karunungan at kapangyarihan tayo ay nailigtas.
When we think too highly of ourselves and rely on our own strength, talents, and efforts, we start to sow division in the church. This week, Rev. Michael Cariño reminds believers that we cannot boast of anything other than Christ alone, for only through His wisdom and power are we truly redeemed.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 1:26-31
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung paano nagbago ang iyong pananaw sa pagmamayabang mula nang sinimulan mo ang iyong paglalakbay sa pananampalataya. Paano unti-unting nababago ang iyong pagmamayabang mula sa sariling galing at talino patungo sa pag-focus sa karunungan ng Diyos?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Sa anong mga paraan naguugnay ang pag-ibig at katarungan ng Diyos sa Krus? Paano nakakaapekto ang pag-unawa sa ugnayang ito sa iyong relasyon sa Diyos at sa iyong pananaw sa Kanyang pagkatao?
• Paano hinahamon ng pagpili ng Diyos sa mga “nobodies” ang expectations sa lipunan? Paano ito nakakaapekto sa iyong pagtingin sa iyong identity bilang isang sugo (messenger) ng Krus?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Mas naka-focus ka ba sa iyong sarili o kay Jesus? Paano mo nasabi ito?
• Pagnilayan: Ano ang nakakatulong o nakaka-distract sa iyo na mag-focus kay Jesus (imbes na tumuon sa iyong sarili)?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo maisasabuhay ang pagiging “nobody” sa pamamagitan ng pagtanggap sa kaloob na kaligtasan mula kay Jesus? Paano mo maipapakita ang kababaang-loob sa iyong pagsunod sa Kanya?
• Paano mo maisasabuhay ang karunungan, katuwiran, kabanalan, at kaligtasan ni Jesus sa iyong pang-araw-araw na buhay? Paano mo ito maipapakita sa iyong mga gawain, relasyon, at paglago sa pananampalataya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Maglaan ng oras upang ipahayag ang papuri at pasasalamat sa Ama sa Langit para sa Kanyang napakalaking pagmamahal na ipinakita sa Krus. Magpasalamat sa Kanyang pagpapadala sa Kanyang Anak, si Jesus, upang maging ating katuwiran, kabanalan, at pagtubos. Ang Kanyang karunungan, katarungan, at awa ay nag-intersect sa Krus, na nagdadala ng kaligtasan sa mga hindi karapat-dapat na makasalanang tulad natin. Ipanalangin na ang iyong buhay ay maging isang patuloy na pagpapahayag ng pasasalamat para sa gawain ng Krus.
• Mapagpakumbaba na lumapit sa trono ng Diyos at kilalanin ang iyong kaugalian na magyabang sa iyong sariling karunungan, lakas, at mga nagawa. Humingi ng kapatawaran sa mga panahong nabigo kang ipagmalaki kung sino Siya at kung ano ang Kanyang nagawa. Hilingin sa Kanya na bigyan ka ng grace upang ilipat ang iyong pagtuon mula sa makamundong mga nagawa tungo sa karunungan at katuwiran na matatagpuan kay Jesus lamang. Ipanalangin na mamuhay ka ng kabanalan, na sumasalamin sa katayuan at pag-uugali ng mga tinubos ng Kanyang grace. Nawa’y ang iyong pagsisisi ay humantong sa isang panibagong pangako na lumakad sa Kanyang daan at luwalhatiin ang Kanyang Pangalan sa lahat ng iyong ginagawa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.