Tanggapin Mo Ang Pinakamahalagang Regalo
Bakit nga ba pinaka-inaabangan ng marami sa atin ang araw ng Pasko? Ngayong linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño ang Mabuting Balita ng Pasko at ang pinakamagandang regalong handog nito para sa atin.
Why is Christmas the most anticipated holiday for Christians? Listen to Rev. Mike Cariño this week as he reveals the Good News of Christmas and the best Gift we can ever hope to receive.
Basahin sa Bibliya
John 3:16; Romans 6:23; 2 Corinthians 9;15
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang regalong natanggap mo. Ano ang kapansin-pansin sa nagbigay ng regalo at sa regalong natanggap mo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang mga talata. Paano nakakaapekto ang pag-unawa na ang pag-ibig ang motibo ng Diyos upang ipagkaloob si Jesus para sa iyong kaligtasan?
• Para sayo, ano ang kabuluhan na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ni Jesus sa isang mundo na kadalasang tinatanggap ang iba’t ibang landas patungo sa espirituwalidad?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Naranasan mo bang maramdaman na karapat-dapat kang maligtas? O napakabuti mo kaya hindi mo kailangan ng tagapagligtas? Anong aspeto sa iyong puso ang kailangang ibigay sa Panginoon nang may pagpapakumbaba?
• Mayroon bang mga pagkakataon kung saan naramdaman mo na ikaw ay mas mataas/holy/mahusay kaysa sa iba? Paano naaapektuhan ng pangkalahatang pagsakop ng libreng regalo ng Diyos ang iyong kaugalian na ibukod o husgahan ang ilang indibidwal?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga praktikal na paraan ang maaari mong gawin upang maiparating ang mensahe ng regalo ng Diyos sa mga taong maaaring hindi pa ito narinig o lubos na nauunawaan? Paano mo maipapakita ang pagmamahal ng Diyos sa iyong pakikipag-ugnayan sa iba ngayong panahon ng Pasko?
• Bilang Life Group, pamilya, o komunidad, mag-brainstorm ng mga paraan upang gawing mas madaling ma-access ang mensahe ng Pasko sa mga maaaring may maling akala o reserbasyon tungkol sa Kristiyanismo. Paano magiging safe space ang iyong komunidad para alamin at tanggapin ng mga tao ang pinakamahalagang regalo ng Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit sa pagbibigay sa atin ng pinakamahalagang regalo, ang dahilan para sa panahong ito, si Jesus Christ. Salamat sa Diyos sa pagpapadala ng Kanyang Anak upang hanapin at iligtas ang nawawala. Pagnilayan kung sino ka at kung nasaan ka bago mo nakilala si Jesus. Maglaan ng oras upang hayaan ang Diyos na ipakita sa iyo ang mga bahagi ng iyong buhay kung saan maaaring naligaw ka o naging self-righteous. Bumalik sa Diyos at kilalanin ang iyong pangangailangan para sa Kanyang kapatawaran at awa. Pagkatapos, purihin Siya para sa Kanyang walang humpay na pag-ibig at kagandahang loob na sumusama sa iyo kahit na ikaw ay nawala o naligaw ng landas.
• Ipagdasal ang mga tao na malayo pa rin sa Diyos, sinasadya man o hindi. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng puso para sa mga nawawala, tulad ng ginagawa Niya, at bigyan ka ng lakas ng loob na ibahagi ang mensahe ni Jesus nang may pagmamahal. Manalangin para sa oportunidad na magkaroon ng conversations na hahantong sa paghahayag kay Jesus bilang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.