Hindi Man Makita, God is At Work (Part 7)
Kakampi natin ang Diyos sa anumang pasanin sa buhay. Itong linggo, muling ipapaalala ni Ptr. Mike Cariño na ang Panginoon ang ating kalakasan at handang saklolo sa panahon ng mga pagsubok.
The Lord is our ally in the face of life’s challenges. Listen to Ptr. Mike Cariño this week as he reminds us that God is our strength and our ever-present help in times of trouble.
Basahin sa Bibliya
Esther 7:1-10
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano mo naranasan ang Diyos nitong linggo?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang nangyari kay Haman? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa hustisya ng Diyos?
• Ano ang matututunan natin mula kay Esther? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa kalakasan at pag-asa natin sa Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Alalahanin ang isang karanasan na ikaw ay nawalan ng pag-asa o halos sumuko na. Ibahagi ang iyong karanasan sa grupo.
• Sa anong paraan makakatulong sayo ang mga Katotohanan tungkol sa Diyos na iyong natutunan mula sa talatang binasa?
• May mga pagkakataon bang naging katulad mo si Haman sa pagiging mapagmataas? Paano nangungusap sayo ang talatang ito bilang paalala at babala?
5. Engage the hands (15-20 mins) • Sa pagkilala ng mga Katotohanan ng Diyos, paano ito dapat makaapekto sa iyong mga desisyon sa buhay at sa estado ng iyong puso?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos na mananaig ang Kanyang katarungan at sa tiyak na pag-asa natin sa Kanya sa pamamagitan ni Hesus.
• Humingi ng kapatawaran sa Diyos para sa mga oras na tayo ay nagiging mapagmataas at hindi umaasa sa Kanyang kapangyarihan, at sa mga oras na nakakalimutan natin na Siya ang ating pag-asa.
• Manalangin para sa isang pusong may seguridad na ang Diyos ay ang ating kalakasan, kakampi at kasama.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.