Ang Bagong Pagkatao kay Kristo
Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na kilalanin ang Diyos at talikuran ang kasalanan sapagkat ito ay naaayon sa bagong pagkakakilanlan at katayuang ibinigay sa atin ngayong tayo ay nakay Kristo na.
This week, Ptr. Joseph Ouano urges us to abide in God and turn away from sin in accordance with the identity and calling we now have in Christ.
Basahin sa Bibliya
Ephesians 4:17-24
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang nagsisiayos ng kanilang mga tahanan. Ibahagi ang ilang mga bagay na pinili mong ipamigay o alisin mula sa iyong tahanan.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang mga katangian ng lumang pagkatao na hindi kinikilala si Kristo?
- Ano ang mga katangian ng mga bagong pagkatao na nilikha kay Kristo?
- Ano ang dahilan ng pagbabago mula sa lumang pagkatao patungo sa bagong pagkatao? Bakit mahalagang hubarin ang lumang pagkatao at isuot ang bagong pagkatao?
- Ibahagi sa grupo kung paano ka binago ni Hesus mula noong nagdesisyon kang sundin Siya. (Note to leaders: Bago magtipon, pumili ng ilang miyembrong magbabahagi para mabigyan sila ng sapat na oras na makapaghanda.)
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Pagnilayan at ibahagi: Alin sa mga ginagawa ko ang mula pa sa aking lumang pagkatao? Ano ang itinuturo ng Diyos sa akin mula sa binasang talata?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ano ang maaari mong gawin upang hubarin ang lumang pagkatao at isuot ang bagong pagkatao?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos dahil sa pamamagitan Hesus tayo ay maaaring magkaroon ng bagong pagkatao.
- Manalangin sa Espiritu na tulungan tayong makita, pagsisihan, at hubarin ang mga kasalanan/dumi sa ating puso; na umasa sa Espiritu ng Diyos, at hindi sa ating sarili, upang bigyan tayo ng kakayahang isuot ang bagong pagkatao at baguhin ang ating puso at isipan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.