Kung Ikaw ay Nawawalan na ng Kasiyahan sa Buhay
Paano magiging makabuluhan ang ating buhay sa mundo sa kabila ng mga hamon at problema? Sa huling mensahe ng seryeng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na lubos-lubusin ang buhay sa pamamagitan ng pamumuhay nito kasama ang Panginoon.
How can we live meaningful earthly lives despite hardships and difficulties? In this final message of the series, Ptr. Joseph Ouano urges us to make the most out of life is by living it with the Lord.
Basahin sa Bibliya
Ecclesiastes 11:9-12:8
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng “magpakasaya”?
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa paanong paraan ka nagpapakasaya? Ano ang kinalalabasan/kinahihinatnan ng iyong pagpapakasaya?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang ugnayan ng pagpapakasaya at responsibilidad? Basahin ang John 8:32, ano ang ibig sabihin ng “katotohanan ang magpapalaya sa inyo”?
- Bakit mahalagang alalahanin ang Diyos bilang ang ating Tagapaglikha?
- Maglaan ng oras upang muling bisitahin ang mga nakaraang kabanata ng Ecclesiastes. Ano ang iyong natutunan mula sa librong ito?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ang karunungan ay nagmumula sa pagkatakot at paggalang sa Diyos. Ano ang maaari mong gawin upang magkaroon ng mas malapit at personal na relasyon sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Target ng gobyerno na mabakunahan ang 10M Pilipino sa darating na linggo at 58M Pilipino sa pagtatapos ng taon.
- Mahigit sa 300 mula sa mga Christian Community sa India ang pumanaw nitong nakaraang 2 buwan; Lakas laban sa pagkapagod, pagkahapo mula sa pagkahabag, at trauma mula sa sitwasyon at sa tumataas na bilang ng mga namamatay.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.