Close

April 25, 2021

Kung Kapangitan lang ang Nakikita mo sa Mundo

Naniniwala ka ba na “God has made everything beautiful in His time?” Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na magtiwala sa Diyos sapagkat mayroong dahilan ang bawat pangyayari sa ating mundo.

Do you believe that God has made everything beautiful in His time? In this message, Ptr. Michael Cariño urges us to trust in the Lord for He has a purpose for everything that happens in this world.


Basahin sa Bibliya

Ecclesiastes 3

Reflection Questions

1. Magdasal bilang panimula.

2. Pagmuni-muni

  • Alalahanin ang isang masayang karanasan. Alalahanin ang isang malungkot na karanasan.

3. Engage the mind

  • Basahin at pagnilayan ang talata. Ano ang kahulugan ng “maging masaya at puno ng ligaya”?
  • Ano ang kahulugan ng “magkaroon ng takot sa Diyos”?
  • Ano ang iyong natutunan tungkol sa Diyos mula sa talatang ito?

4. Engage the heart

  • Anong mga bagay / sitwasyon (maaaring positibo o negatibo) ang ibinigay sa iyo ng Diyos?
  • Paano makatutulong ang katotohanang mapupulot sa Ecclesiastes 3 upang ikaw ay maging masaya anuman ang iyong kasalukuyang kalagayan? (Maglaan ng oras upang pagnilayan ang pag-ibig at kalooban ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ni Jesus.)

5. Engage the hands

  • Ano ang maaari mong gawin upang isabuhay ang iyong mga)natutunan mula sa talatang ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal

  • Ipagdasal ang sarili at ang iyong mga mahal sa buhay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.