Kung ang Buhay ay Pawang Walang Kabuluhan
Talagang kulang at walang saysay ang buhay kung ang pinaghuhugutan natin ng kabuluhan ay ang mundong ito lamang. Sa mensaheng ito, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño kapag ang Diyos ang ating dahilan para mabuhay, nagiging matingkad at may patutunguhan ang buhay.
Life will seem empty and vain if this world is the only thing we draw meaning from. In this message, Ptr. Michael Cariño reminds us that when God is our reason to live, life becomes vivid and purposeful.
Basahin sa Bibliya
Ecclesiastes 1
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Kaugnay ng mensahe noong nakaraang linggo: Magkuwento kung paano mo naibahagi ang positibong enerhiya ni Hesus sa mga taong nasa paligid mo? Naibahagi mo ba si Hesus sa iyong salita o gawa?
- Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng pagiging marunong?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Sino si Haring Solomon?
- Basahin ang talata. Ano ang mga obserbasyon ni Haring Solomon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa anong paraan ka nakaka-ugnay sa mga obserbasyon ni Haring Solomon? Alin sa kaniyang mga obserbasyon ang sang-ayon ka o hinga ka sumasang-ayon?
- Ibinahagi ni Haring Solomon ang tungkol sa kawalan ng kahulugan ng buhay. Anong Katotohanan tungkol sa Diyos ang matututunan natin mula dito? Anong mga talata sa Bibliya ang makakatulong sa iyo upang makita ang layunin ng Diyos para sa ating buhay?
- Para sa iyo, ano ang magbibigay ng kabuluhan sa ating buhay? Bakit si Hesus ang pinaka kasiyahan at katuparan ng ating buhay?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Isipin ang isang bagay na pinagsisikapan mong makamit sapagkat magbibigay ito ng kabuluhan sa iyong buhay. Ano ang maaari mong gawin upang makuha ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Makadiyos na payo mula sa ating mga pinuno ng gobyerno at kaligtasan para sa kanila.
- Karunungan para sa lokal na pamahalaan sa paglunsad ng mga bakuna sa kani-kanilang mga lokasyon.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.