Pasko, Pandemya, at Pangakong Kapayapaan
Ang panahon natin ngayon ay puno ng agam-agam, takot, at pangamba. Kaya’t ngayong Linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na hangad ng Diyos na bigyan tayo ng kapayapaan – at ito ay makakamit natin kapag si Hesus ang naghahari sa ating mga buhay. Ang kapayapaan na galing sa Diyos ay hindi nakasalalay sa mga sitwasyon at kaganapan; ang tunay na kapayapaan ay makikita sa kalagayan ng ating mga puso.
We live in an age of anxiety, where worry and fear are the pervasive emotions of our time. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us that God’s purpose is to give us peace — and that peace is possible only when God rules our lives. For our peace is found not in our circumstances; instead, peace is a condition of the heart.
Basahin sa Bibliya
Luke 2:13-14; John 16:33
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ano ang isang bagay na nagbigay sa iyo ng matinding takot ngayong taon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Anong klase ng kapayapaan ang ibinibigay ng Diyos?
- Bakit tayo napalayo sa Diyos?
- Paano tayo nagkaroon ng kapayapaan sa pamamagitan ni Hesus? (Rom. 5:1)
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Paano naging Mabuting Balita ang pagdating ni Hesus para sa iyo?
- Anong pagsubok ang kinakaharap mo ngayon? May kapayapaan ka ba sa iyong puso? Paano mo panghahawakan ang Salita ng Diyos? Basahin ang 2 Thessalonians 3:16 at Isaiah 26:3. Ano ang ibig sabihin ng mga talata na ito para sa iyo?
- Paano tayo magkakaroon ng kapayapaan sa ating mga relasyon? Madali ba ito para sa iyo? Bakit?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Sa paanong paraan mo maibabahagi sa ibang tao ang kapayapaan na nanggagaling kay Hesus?
- Paano mo maipapasa-Diyos ang mga takot at pangamba sa iyong puso? Anong Katotohanan ang natutunan mo mula sa mensaheng ito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- Disiplina ng mga tao sa pagsunod sa mga protokol na pangkalusugan sa panahon na ito upang maiwasan ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
- Karunungan at integridad para sa mga pinuno ng gobyerno sa paggawa ng mga desisyon para sa ating bansa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.