Close

November 15, 2020

Kung Ayaw Mo nang Maglingkod Sa Diyos

Hindi madali ang maglingkod sa Diyos, lalo na kung ikaw ay napapalibutan ng mga taong masama, mga pasaning mabigat, at mga suliraning masakit. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na huwag sumuko sa paglilingkod sa ating Diyos, sapagkat hindi Niya makakalimutan ang mga naglilingkod sa Kanya nang tapat hanggang sa huli.

It’s not always easy to serve God, especially when you are beset by bad people, heavy burdens, and painful problems. This week, Ptr. Allan Rillera urges us not to give up serving our God, for He will not forget those who serve him faithfully to the end.


Basahin sa Bibliya

Malachi 3:13-18

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Magbahagi ng isang pagkakataon kung saan nabigyan ka ng gantimpala para sa isang bagay na ginawa mo. Ano ang naramdaman mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Bakit nasaktan ang Diyos? Ano ang ginawa ng mga Israelita? Ano ang kaugnayan nito sa paglilingkod nila sa Diyos?
  • Ano-anong mga dahilan ang pumipigil sa tao upang maglingkod sa Diyos? Anong klaseng paglilingkod ang nararapat na ibigay sa Diyos?
  • Basahin ang 1 Samuel 12:24. Ano ang paalala sa atin ng bersong ito?
  • Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ‘sa araw na ako’y kumilos’? Saan Nakatuon ang iyong mga mata—sa kasalukuyan o sa hinaharap?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Bakit tayo naglilingkod sa Diyos? Ano ang umuudyok sa atin para paglingkuran Siya–ang mga pagpapala ba na mula sa Diyos o ang pag-ibig natin para sa Kanya?
  • Nakikita mo ba ang paglilingkod sa Diyos bilang isang oportunidad o bilang isang mabigat na pasanin? Magbahagi ng iyong karanasan.
  • Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito para sa iyo: ‘Magiging akin sila… itatangi ko sila bilang sariling akin’?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa paanong paraan mo maitutuon ang iyong sarili sa mga bagay na ang halaga ay walang hanggan? Paano mo ito gagawin sa linggong ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19 – ang kompanyang Pfizer ay nag-ulat ng 90% na pagiging epektibo ng kanilang klinikal na pagsubok nito sa mga tao
    • Bagyong Rolly: Pagtayong muli at rehabilitasyon ng mga lugar na apektado
    • Bagyong Ulysses: Awa at biyaya sa lahat ng mga apektado; pagsagip at paghanap sa mga indibidwal na nawawala; pagkumpuni ng mga pinsala sa mga mahahalagang imprastruktura

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.