Close

November 8, 2020

Kung Ninanakawan Mo Ang Diyos | Restructuring Your Faith

Ang pagbibigay sa Panginoon ay pagkilala na Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng bagay at Siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Ngayong linggo, pinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na ang ating pagbibigay sa Diyos ay tanda ng ating katapatan at pagtitiwala sa Kanya.

To give to the Lord is to recognize who He is. This week, Ptr. Joseph Ouano reminds us that we acknowledge God’s ownership of all things and express our trust in His faithfulness when we give.


Basahin sa Bibliya

Malachi 3:8-12

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Ano ang pananaw mo ukol sa pagbibigay ng tithes o ikapu (ikasampung bahagi ng kita) para sa Diyos?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Sa paanong paraan ninanakawan ng mga Israelita ang Diyos?
  • Bakit mayroong mga tithe at iba pang mga handog? Para saan ang mga ito?
  • Paano nauugnay ang ating pagbibigay sa ating relasyon sa Diyos? Sa anong paraan ipinapakita ng ating pagbibigay sa Diyos ang ating pagtitiwala sa Kaniya?
  • Ano ang pangakong biyaya ng Diyos? Paano tinupad ni Jesus ang pangakong pagpapala ng Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang pumipigil sa’yo na magtiwala sa Diyos? Nakahawak ba tayo nang mahigpit sa mga biyaya o sa Kanya na nagbibigay ng mga biyayang ito?
  • Pagnilayan: Bakit tayo nagbibigay sa Diyos? Para ba magkaroon ng biyaya? O para isabuhay ang pagiging mapagbigay ng Diyos at sa pamamagitan nito ay makita ng iba ang Diyos at magtiwala rin sa Kaniya?
  • Paano nakumpirma o nabago ng mensaheng ito ang iyong pagtingin sa pagbibigay?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano ka pinagpala ng Diyos nitong mga nagdaang araw? Paano mo maibabahagi sa iba ang mga pagpapalang ibinigay sa iyo ng Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Pagtayong muli at rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng Bagyong Rolly – Catanduanes, Albay, Quezon, at Batangas.
    • Pagtugon ng gobyerno sa pandemya – pangkalusugan at pang-ekonomiya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.