Close

October 18, 2020

Kung Ikaw Ay Nagtataksil Sa Diyos

Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Mike Cariño na mahalin ang isa’t isa, maging tapat sa ating asawa, at manatili sa pagsunod sa Diyos. Nasasaktan ang Diyos kapag tayo ay nagtataksil sa Kanya, sa ating kabiyak, o sa ating kapwa.

This week, Ptr. Mike Cariño urges us to love one another, stay true to our spouse, and follow our God faithfully, for any failure in these areas breaks the heart of God.


Basahin sa Bibliya

Malachi 2:10-16

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang ibig sabihin ng “iisa ang ating Ama”?
  • Ano ang kinalaman ng ating relasyon sa Panginoon sa pakikitungo natin sa isa’t isa?
  • Ano ang marka o tanda na tayo ay kabilang sa Diyos?
  • Paano pinagtaksilan ng mga Israelita ang Diyos?
  • Bakit nasasaktan ang Diyos kapag nasisira ang katapatan sa asawa?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Paano ka hinihikayat ng iyong pagmamahal sa Diyos na mahalin din ang iyong kapwa?
  • Ano-anong mga diyos-diyosan ang humahatak sa iyong puso palayo sa Diyos?
  • May mga pagkakataon ba na nasaktan mo ang Diyos? Paano mo ito hinarap? Paano ka nanumbalik sa Diyos? Nahihirapan ka bang bumalik sa Diyos?
  • Para sa mga may asawa: Sa inyong buhay-mag-asawa, sa paanong paraan kayo dumedepende sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Kung mayroong anumang pagtataksil sa Diyos sa iyong puso, ano ang iyong magiging tugon at paano mo ito gagawin?
  • Para sa mga may asawa: Mag-isip ng isang paraan upang mapabuti ang inyong buhay-mag-asawa at nang ito ay magkapagbigay karangalan sa Diyos.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Muling pagbubukas ng mga negosyo kaugnay sa turismo ayon sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya.
    • Mga pamilya at mga lungsod na apektado ng bagyo at habagat.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.