Close

September 6, 2020

Josiah: Naging Liwanag Sa Gitna ng Dilim

Hangad mo rin ba ang pagbabago? Paano nga ba ito makakamit? Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na tularan si Josiah sa kanyang pagsisikap na hanapin ang Diyos sapagkat sa Kanya lamang matatagpuan ang tunay na pagbabago.

Do you desire change? How can meaningful change be achieved? In this message, Ptr. Allan Rillera urges us to follow Josiah’s example and seek the Lord for it is He who holds the key to real and life-giving change.


Basahin sa Bibliya

2 Chronicles 34

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Anong mga bagay sa paligid mo ang nakakapagdismaya sa iyo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang pinagdaanan ng mga Hudyo bago mamuno si Josiah? Basahin ang 2 Chronicles 34. Anu-ano ang mga ginawa ni Josiah para makamit ang pagbabago?
  • Ano ang kinahinatnan ng pagsaliksik ni Josiah tungkol sa tunay na Diyos? Bakit ito mahalaga?
  • Paano itinuwid ni Josiah ang mga pagkakamali na ginawa ng kanilang bayan?
  • Paano naisakatuparan ni Josiah ang Salita ng Diyos sa buhay niya? Paano tumugon si Josiah sa salita ng Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Anong klase ng buhay ang iyong ninanais? Ano ang pagkakaiba kung tayo ay mamumuhay nang malayo sa Diyos?
  • Anong mga bagay ang binibigyan mo ng higit na pagpapahalaga kaysa sa Diyos? Anong mga nagawa mong pagkakamali sa buhay ang nais mong ituwid?
  • Para sa ’yo, gaano kahalaga ang Salita ng Diyos? Ano ang mga pangako ng Diyos sa mga taong susunod sa Kaniyang mga kautusan? Ninanais mo ba kung ano ang mga nais ng Diyos para sa ’yo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Nais mo bang magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay? Paano ka manunumbalik sa Diyos?
  • Sa iyong narinig mula sa mensaheng ito, paano mo nais tumugon sa Panginoon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Probisyon at karunungan mula sa Diyos para sa mga negosyong apektado ng pandemya.
    • Mga pagkakataon at probisyon para sa mga taong nawalan ng trabaho sa panahon na ito.
    • Emosyonal at sikolohikal na suporta para sa mga pamilyang dumaraan sa mga pagsubok ng buhay.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.