Close

August 16, 2020

David: Kung Ang Mga Sibat ng Buhay ay Tumatagos Sa Iyong Puso

Ano ang iyong gagawin kung ang puso mo ay dinidikdik at binabasag ng mga masasakit na salita, malulupit na tao, at mga madadayang sitwasyon? Sa pamamagitan ng buhay ni David, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang sitwasyong iyon ay pagkakataon ng Diyos upang ayusin ang ating puso, baguhin ang ating ugali, at baklasin ang ating yabang upang tayo ay magamit Niya nang mahusay sa mas matinding layunin.

How do you respond when hurtful words, difficult people, and unjust situations break your heart? Ptr. Mike Cariño shows us through David’s life that periods of brokenness are opportunities for God to refine our hearts, shape our character, and dismantle our pride, to prepare us for a greater purpose.


Read Today’s Scripture Passage

1 Samuel 17:20-37, 41-44; 1 Samuel 18:6-16; 19:9-10; 1 Samuel 18:17-19; 20:1

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Anong bahagi ng mensahe ang naalala mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang 1 Samuel 17:20-37, 41-44. Anong mga masasakit na salita ang natanggap ni David? Paano niya ito napagtagumpayan?
  • Basahin ang 1 Samuel 18:6-16; 19:9-10. Anong kalupitan ang pinagdaanan ni David? Paano siya tinuruan ng Diyos na maging maawain?
  • Basahin ang 1 Samuel 18:17-19; 20:1. Anong klaseng pandaraya ang hinarap ni David sa kanyang buhay? Paano siya hinulma ng Diyos na maging mapagkumbaba?
  • Paano mo mas nakilala ang Diyos mula sa buhay ni David?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Naranasan mo na bang makatanggap ng mga masasakit na salita? Paano mo ito hinarap? Ano ang natutunan mo mula sa karanasang ito?
  • Nagkaroon ka na ba ng karanasan na kung saan ikaw ay na-api o kaya ay nagkaroon ng mapait na relasyon sa ibang tao? Sa pamamagitan nito, paano ka naturuan ng Diyos na maging maawain?
  • Naranasan mo bang maloko, maapi, maisahan, o madaya ng ibang tao? Paano mo ito hinarap?
  • Anong mga sibat ng buhay ang kinakaharap mo ngayon?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano mo mamahalin ang mga tao na nananakit sa iyo?
  • Paano mo haharapin ang mga sibat ng buhay na tumatagos sa iyong puso at kaluluwa?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Ipagdasal na ang mga opisyal ng gobyerno ay mamuno nang may integridad at hustisya
    • Karunungan para sa ating mga pinuno sa pagsugpo ng pandemya at pagpa-plano para sa pagbawi ng ekonomiya upang labanan ang kawalan ng trabaho at kahirapan

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithe at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.