Kapit Lang Sa Panginoon: Why We Keep Trusting God
Yaman, dunong, kakayanan, at lakas…lahat ng ating pinanghahawakan sa buhay na ito ay maaaring maglaho sa isang iglap. Sapamamagitan ng Psalms 125, ipinapaalala sa atin ni Ptr. Micahel Cariño na tanging sa Panginoon natin masusumpungan ang tunay na kasiguruhan at katatagan sa buhay.
Wealth, wisdom, abilities, and strength…everything that we hold onto in this life as a source of security may be gone in an instant. In this message, Ptr. Michael Cariño reminds us through Psalms 125 that we can find lasting safety and security in God alone.
Basahin as Bibliya
Psalm 125
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang karanasan kung saan nasira ang iyong tiwala.
- Ibahagi ang iyong karanasan habang “nagde-devotion/quiet time” kamakailan.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata.
- Anong mayroon sa mga taong nagtitiwala sa Diyos?
- Ano ang ibig sabihin ng ‘ang mga taong nagtitiwala sa Diyos ay di natitinag at di nauuga’?
- Paano ipinakita ng Krus na ang ibinibigay ng Diyos ay makabubuti sa atin at na Siya ay mapagkakatiwalaan?
- Paano ipinapahayag ng manunulat ng Psalms 125 ang kanyang tiwala sa Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Anong mga hamon ang iyong kinakaharap pagdating sa pagtitiwala sa Diyos?
- Paano ka pinoprotektahan ng Diyos? Paano ipinakita sa iyo ng Diyos na karapat-dapat Siyang pagkatiwalaan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Ano ang isang aspeto ng iyong buhay na kailangan mong ipagkatiwala sa Diyos at sundin ang Kanyang salita? Paano mo ito magagawa?
- Bilang tugon sa talatang ito, paano mo maisasabuhay ang katangian ng Diyos na natutunan mo ngayong linggo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
- Ang paglipat sa online na sistema ng edukasyon
- Ang pagpapatupad ng mga bagong sistema upang hindi bumagal at mapigilan ang pagtaas ng kaso ng Covid sa bansa
- Ang awa at proteksyon ng Diyos para sa ating bansa
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Mga Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.