Close

May 31, 2020

Kung Mahal Natin Ang Diyos, Bakit Puro Tayo Away? The Significance of Spiritual Unity

Ang Psalm 133 ay nagpapaalala sa atin na mabuti, maganda, at kalugod-lugod kung tayo ay nagkakaisa bilang magkakapatid sa Panginoon. Hindi pwedeng puro tayo ‘hallelujah’ pero puno naman tayo ng mga away.

Psalm 133 reminds us that it is good and beautiful to see believers living harmoniously with each other. We cannot be shouting our “hallelujahs” when our relationships are marred by conflicts.

You can also watch Kung Mahal Natin Ang Diyos, Bakit Puro Tayo Away? on YouTube.


Basahin sa Bibliya

Psalm 133

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage one another (15-30 mins)

  • Para sa iyo, ano ang itsura ng pamumuhay na may pagkakaisa?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang Awit 133.
  • Ano ang kabuluhan ng pagdaloy ng langis sa ulo at balbas ni Aaron?
  • Ano ang kabuluhan ng hamog sa bundok ng Hermon na dumilig sa bundok ng Zion?
  • Ano ang kauganayan nito sa pagkakaisa?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa iyo, bakit mahalaga ang pagkakaisa?
  • Ano para sayo ang makatanggap ng kapatawaran mula sa Panginoon? Mayroon ka bang nais ihingi ng pagpapatawad mula sa Diyos? Mayroon ka bang kailangang patawarin na tao?
  • Mayroon bang pagkakasundo at pagkakaisa na kailangan manumbalik sa iyong mga ugnayan sa ibang tao? Mangyaring ibahagi ito.

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Mula sa mga natutunan mo sa talata/mensahe, anong aksyon ang gagawin mo?
  • Ngayong linggo, paano mo ibabahagi sa iba ang pagpapala ng Panginoon para sa iyo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Manalangin para sa mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Manalangin para sa ating bansa. (10-15 minutes)
    • Ang katapatan ng Diyos at ang Kanyang kapangyarihan laban sa pandemiya
    • Pagmamahal ng Diyos para sa mga naghihirap at nagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng mahal sa buhay
    • Pagbangon ng ating ekonomiya (negosyo at trabaho)

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Mga Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.

May 31, 2020