Babalik si Jesus
Sa gitna ng tumitinding kaguluhan at kasamaan sa ating paligid, marahil nag-aalinlangan tayo kung babalik pa ba si Hesus. Ngayong linggo, samahan natin si Ptr. Joseph Ouano sa kanyang pagsusuri kung paano mangyayari ang nalalapit na pagbabalik ng ating Panginoon. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon para sa atin na manitiling tapat at mapagmatyag.
As we observe the increasing chaos and evil around us, we may begin to doubt if Jesus will ever return again. This week, Ptr. Joseph Ouano shows us why our Lord’s return is imminent. May we remain faithful and vigilant until He comes.
Basahin sa Bibliya
2 Peter 3:1-13
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Isipin ang isang kamakailang pagkakataon na kailangan mong maging matiyaga. Paano ito nakatulong sa paglago mo bilang isang Kristiyano?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ipinapakita sa atin ng vv.8-9 tungkol sa katangian ng Diyos?
• Anong mga halimbawa sa Bible ang nagpapakita kung paano maaaring kailanganin ng mga tao na maghintay ng mahabang panahon (ayon sa ating pamantayan) para matupad ng Diyos ang Kanyang mga plano. Anong mga prinsipyo ang maaari mong makuha mula sa mga halimbawang ito at sa talata?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano ka naapektuhan ng Katotohanang tayo ay pansamantalang naninirahan dito sa mundo?
• Nakakabigay ba ng comfort sa iyo ang Katotohanang muling babalik si Jesus? Paano nito naaapektuhan ang iyong prayer life? Pag-isipan kung ano ang mga motibasyon at hadlang sa iyong isip at puso.
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga desisyon o pagpili ang dapat mong gawin kaugnay sa pag-asang muling babalik si Jesus?
• Paano ka personal na makakapag-ambag sa pagtupad sa misyong mapabilis ang pagbabalik ni Jesus sa iyong komunidad?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil Siya ay mapagpasensya sa atin kahit na paulit-ulit tayong nagsasala. Pagsisihan ang mga sandaling iyon na nabigo kang sumunod at parangalan Siya. Humingi ng kaparehong pagtitiyaga gaya ng inaasahan nating pagbabalik Niya, batid na ang Kanyang oras ay laging perpekto.
• Magpasalamat sa Kanya para sa maraming mga paalala sa Banal na Kasulatan na kumapit nang mahigpit sa katotohanan ng Kanyang Salita. Hilingin sa Diyos na tulungan kang patuloy na magnilay-nilay sa katotohanan na Siya ang ating dakila at makapangyarihang Manlilikha na nagpapahayag sa mundo at humubog sa atin ayon sa Kanyang sariling larawan. Sa kabila ng pagiging makasalanan, pinili Niyang tubusin tayo sa pamamagitan ng Kanyang kabutihang loob. Habang papalapit na ang araw ng Kanyang pagbabalik at napakaraming pinipili na manatiling mangmang sa mga bagay na tungkol sa Diyos, manalangin na sa Kanyang kabutihang loob, magkaroon ng pananalig at pag-asa ang mga taong nangangailangan kay Jesus.
• Hilingin sa Diyos na tulungan kang makita ang pangangailangan ng mundo kay Jesus sa pamamagitan ng Kanyang pagnanais na maligtas ang lahat. Hinilingin na magkaroon ng pusong may pagsunod na maipalaganap ang Kanyang nakapagliligtas na ebanghelyo sa mga hindi pa nakakakilala sa Kanya, at na sila ay manampalataya sa Kanya habang may panahon pa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.