Close

December 10, 2023

Babala! Mag-ingat sa mga Impostor

Maituturing na impostor ang mga huwad na gurong nang-eengganyo sa pamamagitan ng matatamis na salita at mapang-akit na mga maling pangako . Ngayong linggo, binabalaan tayo ni Ptr. Allan Rillera tungkol sa iba’t ibang panlilinlang ng mga huwad na guro at ang parusa ng Diyos para sa kanila at sa kanilang mga tagasunod.

False teachers are impostors who entice with sweet words and alluring false promises. This week, Ptr. Allan Rillera warns us of the many lies we can expect from false teachers and the punishment that God has for them and their followers.


Basahin sa Bibliya

2 Peter 2:10-22

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Mag-isip ng sa isang pagkakataon kung saan ikaw ay naakit sa karisma o kahusayan sa pagsasalita ng isang tao. Paano mo nalaman kung ang kanilang mensahe o mga aksyon ay naaayon sa katotohanan ng Diyos?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano inilarawan ni Peter ang katangian at pamumuhay ng mga pekeng teachers?
• Anong uri ng mga pangako ang ginagawa ng mga pekeng teachers? Ano ang magiging kahihinatnan ng paniniwala sa kanilang mga pangako?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Anong uri na pangako, aksyon, o turo ng mga pekeng teachers ang sa tingin mo ang pinaka-madaling paniwalaan mo? Ano sa tingin mo ang ugat nito?
• Pag-isipan ang papel ng komunidad sa iyong espirituwal na paglalakbay. Sa anong mga paraan ka napagtibay ng ibang tao, at paano mo napatibay ang kapwa mong Kristiyano sa kanilang pananampalataya?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo maipapakita ang wastong pang-unawa sa doktrina ng Diyos at pagsasabuhay ng mga ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
• Ano ang mga konkretong hakbang na maaari mong gawin upang mapanatili ang iyong sarili at ang iyong simbahan laban sa masasamang impluwensiya na dulot ng mga pekeng teachers?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng karunungan at pag-unawa upang makilala at tanggihan ang mga “guro” na nagtuturo ng huwad na ebanghelyo na nanlilinlang sa mga tagapakinig nito. Humiling sa Diyos na magkaroon ng lakas at tapang na manindigan para sa Katotohanan, at tulungan kang manatili sa Kanya at lumalim na pagkilala na Siya ang Diyos. Purihin Siya sapagkat walang katulad Niya. 
• Ipanalangin na maprotektahan ang simbahan at malantad ang mga pekeng teachers para sa kanilang panlilinlang at ang kanilang mga mapanlinlang na ministeryo ay madala sa hustisya. Magpasalamat sa Diyos na ang tunay na ebanghelyo ay ipinahayag sa atin sa Bible. Ipanalangin na ang iyong mga mata ay mabuksan upang pahalagahan at maunawaan ang mga kamangha-manghang katotohanan sa Kanyang Salita at sundin ang mga babala nito. Maglaan ng oras para hilingin sa Diyos na tulungan kang magkaroon ng disiplina sa pag-aaral ng Kasulatan upang maging handa kang magbigay ng malinaw na sagot para sa pag-asa na mayroon ka.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.