Dahil sa Ating Hope in Christ, We can Do Good even when People Do Evil Things to Us
Bilang mga anak ng Diyos, ano ang ating tugon sa mga taong naghahangad ng masama para sa atin? Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na gumawa ng mabuti kahit na sa mga taong nananakit sa atin dahil patuloy ang pagpapala ng Diyos. Kaya Niyang gamitin ang mga pagsubok para sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.
How do we respond when some people seek to harm us on our journey as pilgrims and God’s holy people? This week, Ptr. Joseph Ouano urges us to do good even when we are wronged because God continues to bless us and can use our trials as opportunities for the Gospel.
Basahin sa Bibliya
1 Peter 3:8-22
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ilarawan ang isang recent na argument at kung paano mo ito nalutas.
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang kaugnayan ng talatang ito sa mga nauna (Chapters 2 at 3:1-7)?
• Anong psalm ang binanggit ni Peter sa bahaging ito (vv.10-12)? Ano ang kaugnayan ng psalm na ito sa talata?
• Sa halip na matakot, ano ang dapat gawin ng mga Kristiyano kapag sila ay nagdurusa (vv.14-15)? Bakit ito mahalaga?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong puso: Ano ang dahilan kung bakit ka natatakot sa pagdurusa? Ano ang pumipigil sa iyo na makaramdam ng pag-asa?
• Kailan mo huling sinubukang ibahagi ang gospel/pag-usapan ang mga bagay na espirituwal sa isang tao? Ano ang mga humahadlang sa iyo para ibahagi ang iyong pananampalataya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang pumipigil sa iyo sa paggawa ng mabuti kapag ang mga tao ay gumagawa ng masama sa iyo? Anong mga espesipikong hakbang ang maaari mong gawin para maging higit na katulad ni Kristo?
• Paano ka mas magiging handa na ipagtanggol ang iyong pananampalataya at tumayong matatag sa gitna ng persecution?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na kahit na dumaranas tayo ng mga pagsubok at kapighatian bilang Kanyang mga anak, sa huli ay nagtagumpay Siya sa mundo. Manalangin para sa lakas ng loob at pananampalataya habang patuloy mong niluluwalhati Siya sa isip, salita, at gawa sa anumang sitwasyon. Hilingin sa Diyos na tulungan kang talikuran ang kasamaan, gumawa ng mabuti, at hanapin ang kapayapaan, sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
• Ipanalangin ang pagnanais at pangako na yakapin ang habag, kababaang-loob, at pagmamahal upang ikaw ay maging isang halimbawa ng isang maka-Diyos na mananampalataya at magbigay ng kaluwalhatian sa Kanyang Pangalan. Humingi ng kapatawaran sa mga okasyong hindi mo nagawa ito.
• Hilingin sa Diyos na bantayan ang iyong puso at gabayan ang iyong pananalita. Humingi ng karunungan at kahinahunan kapag sumasagot sa mga tanong at nagbabahagi tungkol sa iyong pananampalataya kay Kristo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.