Ang Pagtakwil Kay Christ: The Road to the Cross

Nanatiling tapat si Hesus sa misyon ng Krus, kahit Siya’y itinakwil at kinutya ng mga pinuno ng relihiyon, ng mga may awtoridad, at ng madla—silang mismong nais Niyang iligtas. Ngayong Linggo, ipinapaalala ni Reverend Mike Cariño na piliin si Kristo kahit Siya’y tinatanggihan ng mundo, sapagkat pinili Niya tayo sa kabila ng lahat.
Jesus remained faithful to the mission of the Cross, even as He was rejected and mocked by religious leaders, those in authority, and the people in the crowd whom He had come to save. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us to choose Christ even when the world rejects Him, for He chose us in spite of everything.
Basahin sa Bibliya
Mark 15:1-20
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Kadalasan, ano ang mas malakas na influence sa iyo—sariling paniniwala, opinyon ng iba, o kung ano ang uso? Bakit kaya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Paano inilalarawan ng kwento ni Barabbas ang kalagayan natin bilang mga makasalanan at ang ginawa ni Jesus para sa atin?
- Ano-ano ang ginawa ng mga sundalo kay Jesus? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa Kanyang pagtitiis at pagiging tapat?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Saan mo nakikita na “religious” ka (hal. uma-attend ng church at nakikinig sa service kapag Linggo, nagdarasal bago kumain, pagkakaroon ng mga Kristiyanong kaibigan, nagbabasa ng Bible), pero hindi ka sumusuko nang buong-bup kay Jesus bilang Hari?
- Anong mga aspeto ng buhay mo ang nagpapakita na parang tinatakwil o pinagpapalit mo si Jesus dahil mas pinipili mo ang comfort, approval ng iba, o sariling control?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Ano ang isang konkretong paraan ngayong linggo para piliin mo si Jesus kaysa sumunod sa mga tao o sa pressure ng iba? Mayroon bang kasalukuyang sitwasyon kung saan kailangan mong manindigan para sa katotohanan kahit hindi ito madali o tanggap ng nakararami?
- Paano mo maipapakita sa iba ang pag-ibig at pagtanggap na minodelo ni Jesus, lalo na sa mga taong nakakaramdam ng rejection?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Diyos Ama dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig na ipinakita sa pamamagitan ni Jesus—na kahit Siya ay tinanggihan, pinagpalit, at pinagtawanan, nanatili Siyang tapat hanggang sa dulo. Magpasalamat dahil tinanggap ni Jesus ang rejection upang tayo ay matanggap ng Diyos, pinasan Niya ang parusa upang tayo ay mapatawad, at ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang tayo ay magkaroon ng bago at ganap na buhay. Magalak sa katotohanang may Hari tayong mapagmahal, tapat, at handang ialay ang lahat para sa atin.
- Magsisi sa mga pagkakataon na mas pinili mong sumunod sa nakararami, sa opinyon ng iba, o sa sarili mong kagustuhan kaysa kay Jesus bilang Hari ng buhay mo. Humingi ng tawad sa mga panahong naging religious ka lang ngunit hindi mo tunay na isinuko ang puso mo sa Kanya. Ipanalangin na baguhin ng Diyos ang puso mo upang piliin si Jesus araw-araw—hindi dahil sa pressure, kungdi dahil sa tunay na pagkilala at pagtitiwala sa Kanya bilang iyong Hari at Tagapagligtas.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
