Ang Pagtutol Sa Authority Ni Christ
Itinanggi ng mga lider ng relihiyon ang awtoridad ni Hesus dahil sa kanilang kasakiman at pagmamataas—maging ang Kanyang mga babala tungkol sa mga magiging bunga ng kanilang mga ginawa ay hindi nila sineryoso. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na maaari rin tayong mapunta sa ganitong kalagayan kapag inuuna natin ang sarili nating kagustuhan kaysa sa Diyos at sa Kanyang kalooban. Pipiliin ba nating gawing si Hesus ang ating pundasyon at sandigan, o Siya ba ang batong ating ikakatisod?
The religious leaders rejected Jesus’ authority out of greed and pride, even mocking His warnings about the consequences of their actions. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that we, too, might find ourselves in a similar position when we place ourselves above God and His will. Will we choose to make Jesus our Cornerstone, or will He be the stone we stumble on?
Basahin sa Bibliya
Mark 11:27-12:12
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Sino ang isang tao na may awtoridad sa buhay mo? Saang bahagi ka nahihirapang sumunod sa kanya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit sinagot ni Jesus ang tanong ng mga leaders gamit ang isa pang tanong? Ano ang nais Nyang ipakita tungkol sa kanilang puso?
• Ano ang ibig sabihin na si Jesus ang “cornerstone” na tinanggihan ng mga tao?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kapag hinahamon ni Jesus ang mga nakasanayan, priorities, o comfort mo, mas pinipili mo bang sumunod o nag-aalinlangan ka? Kapag tinatamaan ka ng katotohanan, mas madalas ka bang lumayo o lumuhod?
• Anong mga katotohanan sa Bible ang alam mo ngunit pinipili mo pa ring hindi sundin? Saan nanggagaling ang ganitong pagtugon mo?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang konkretong hakbang na maaari mong gawin para ipakita ang tunay na pagpapasakop kay Jesus ngayong linggo?
• Paano mo maipapakita sa salita at sa gawa na hindi mo lang basta alam ang Bible o kung sino si Jesus, kundi sinusunod mo rin Sya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit sa Kanyang kapangyarihan at karapatan na mamuno sa ating buhay. Pasalamatan Sya dahil si Jesus ang ipinadala upang maging ating Tagapagligtas at Cornerstone. Magpasalamat sa Kanyang walang sawang kabutihan at pagtitiyaga sa atin kahit tayo ay nagdadalawang-isip at tumututol. Purihin Sya dahil ang Kanyang katotohanan ay hindi lamang nagtuturo, kundi nagbabago ng puso at buhay.
• Magsisi sa mga pagkakataong mas pinili mong protektahan ang iyong comfort at kontrol kaysa sumunod kay Christ. Humingi ng tawad sa mga oras na kinuwestiyon mo ang Kanyang authority sa halip na magpasakop sa Kanya. Ikumpisal ang mga sandaling alam mo ang katotohanan pero pinili mong huwag itong sundin. Manalangin na palambutin ng Diyos ang iyong puso upang si Jesus ay hindi lamang isang batong nadaanan mo, kundi ang pinakamahalagang pundasyon ng iyong buhay.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
