Ang Pagiging Servant ni Christ: A Pattern for True Greatness

Naghahanap sina James at John ng mga posisyon ng karangalan, habang si Hesus naman ay nakatuon sa mga paghihirap na darating. Ngayong Linggo, itinuturo ni Rev. Mike Cariño na ang tunay na kahulugan ng kadakilaan ay hindi nakabatay sa kasikatan o sa palakpak ng tao, kundi sa kahandaang magsakripisyo at maglingkod.
In today’s passage, James and John were seeking positions of honor, while Jesus focused on the sufferings to come. This Sunday, Rev. Mike Cariño says the true essence of greatness is not based on glory and prestige, but rather on the willingness to sacrifice and serve.
Basahin sa Bibliya
Mark 10:32-45
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Share a time na nagtiwala ka sa isang tao o sa isang bagay nang may simpleng faith tulad ng isang bata. Paano naging makabuluhan ang experience na iyon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa moral strength, magnificent performance, and material wealth? Bakit hindi makapagbibigay ng eternal life ang mga ito?
• Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin Niya sa v.27, “Imposible to para sa mga tao, pero hindi sa Diyos”?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Anong materyal na bagay, attachment, o idol sa buhay mo ngayon ang nahihirapan kang bitawan at nakahahadlang sa pagtitiwala mo kay Jesus?
• Saang bahagi ng buhay mo mas madali kang umasa sa sarili mong kakayahan, disiplina, o kabutihan kaysa sa grace ni Christ?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano ka tumutugon kapag ipinapakita ni Jesus ang mga bagay na hinahawakan mo ng mahigpit—natatakot ka ba, nagre-resist, o willing mag-surrender? Ano ang isang specific na bagay ngayong linggo ang kailangan mong bitawan bilang pagsunod kay Jesus?
• Ano ang maaari mong gawin para mas lumalim ang simple faith or childlike faith mo kay Christ?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa regalong kaligtasan na hindi nakabase sa ating moral strength, achievements, o material wealth. Magpasalamat dahil ang eternal life ay freely offered by grace at natatanggap lang through faith kay Christ. Purihin Siya dahil inilalantad Niya ang mga bagay na humahawak sa puso natin, hindi para ipahiya tayo, kungdi para magkaroon ng puwang para sa mas mabuti—ang presensya at buhay na nagmumula kay Jesus.
• Pagsisihan mo ang mga panahon na mas umasa ka sa iyong galing, kabaitan, o diskarte kaysa sa ginawa ni Jesus sa cross. Humingi ng tawad kapag mas mahigpit pa ang kapit mo sa kayamanan, control, comfort, o image kaysa sa Panginoon. Humingi ng tulong para mabitawan mo ang anumang humahadlang sa tunay na pagtitiwala kay Christ, at na maturuan kang maglakad araw-araw sa simpleng pananampalataya, nakahinga sa Kanyang grace na imposible para sa tao ngunit posible sa Kanya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
