Close

November 16, 2025

Batang-Bata Ka Pa

Masyado bang mataas ang ating kumpiyansa sa ating pagka-mature sa buhay-Kristiyano kaya’t hindi na natin binibigyang-pansin ang mga simple o may pananampalatayang tulad ng isang bata? Ngayong Linggo, ipinapaalala sa atin ni Pastor Renz Raquion na pinahahalagahan ng kaharian ng Diyos ang pagiging inosente at pagkakaroon ng dalisay na puso. Lumapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at pananampalatayang tulad ng sa isang bata.

Are we so sure of our maturity in our Christian walk that we have begun to overlook those whom we see as simple-minded or childlike? This Sunday, Pastor Renz Raquion reminds us that God’s kingdom values innocence and simplicity. Let us draw near to God with childlike dependence and trust.


Basahin sa Bibliya

Mark 10:13-16

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Share a time na naramdaman mong fully accepted o welcomed ka—walang judgment, walang kondisyon. Anong effect nun sayo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit nagalit si Jesus sa mga disciples nang pigilan nila ang mga bata na lumapit sa Kanya?
• Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sinabi Niyang “ang kaharian ng Diyos ay pag-aari ng mga tulad nila”?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Be honest: In what ways have you been trying to “earn” God’s approval? Ano ang itsura kung matutunan mong tanggapin nang buo ang Kanyang pag-ibig bilang isang regalo?
• Kung titignan ni Jesus ang puso mo ngayon, makikita ba Niya ang childlike faith o adult self-sufficiency? Saang area mo kailangan mag-shift mula sa control papunta sa pagtitiwala?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sino ang binalewala o iniwasan mo dahil sa tingin mo hindi pa sila ready para kay Jesus? Paano ka pwedeng maging grace-giver instead of gatekeeper sa kanila this week?
• Sa nabanggit na dependence, trust, and receiving, para sayo alin ang pinakamahirap isabuhay? Bakit? What’s one way you can practice that quality this week?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin mo ang Ama sa Langit na hindi binabalewala ang sinuman, kundi patuloy na nag-aanyaya sa atin na lumapit sa Kanya bilang mga anak. Pasalamatan Siya dahil sa Kanyang kaharian, walang mataas o mababa—lahat ay tinatanggap sa biyaya at akagandahang loob Niya. Magpasalamat dahil sa yakap ni Jesus, nakakatagpo tayo ng kapahingahan, pagpapala, at tunay na pagtanggap.
• Humingi ng tawad sa mga pagkakataong naging “gatekeeper” ka—hinusgahan mo o hinadlangan ang iba sa paglapit kay Jesus. I-confess din ang mga panahon na naging masyado kang independent o controlling sa halip na magtiwala sa Kanya. Hilingin kay Lord na turuan kang maging childlike sa pananampalataya—dependent, trusting, at handang tumanggap ng Kanyang biyaya araw-araw.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.