Close

October 26, 2025

Magkaisa Para Kay Kristo: All for One Lord, All for His Kingdom!

Huwag nating ituring na kalaban sa pagpapalaganap ng Gospel ang ibang mga ministry o simbahan. Hindi tayo dapat mainggit sa kanilang tagumpay; sa halip, makiisa tayo sa kanilang kagalakan habang patuloy nilang ibinabahagi ang mensahe ni Kristo.Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na ituon ang ating pansin sa pagtatag ng Kaharian ng Diyos—isang kahariang para sa lahat at walang itinatangi. Tunay na ginagantimpalaan ng Diyos ang bawat pagsisikap na iniaalay sa Ngalan ni Jesus.

Let us not regard other ministries and churches as our competition in the Gospel. We should not envy their success; instead, we should rejoice with them as they work to share the message of Christ. This Sunday, Pastor Allan Rillera urges us to focus on building God’s Kingdom without borders or bias. God rewards every effort made in the Name of Jesus.


Basahin sa Bibliya

Mark 9:38-41

4-29Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na may nakilala ka o kaya ay nag-serve ka kasama ang isang Kristiyano na galing sa ibang church o ministry. Kamusta ang karanasang iyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit mali ang pag-iisip na “kalaban” ang mga hindi natin ka-grupo sa ministeryo?
• Paano pinapakita ng talatang ito na ang tunay na disciple ay hindi nasusukat sa posisyon o grupo kundi sa relasyon kay Kristo?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo tinitingnan ang ibang mananampalataya na hindi mo ka-style, ka-ministry, o ka-church? Nakikita mo ba sila bilang kaaway o kaalyado?
• Kapag pinupuri o ginagamit ng Diyos ang iba, ano ang nararamdaman mo at paano ka tumutugon—ikinatutuwa mo ba ito o kinukumpara mo ang iyong sarili sa iba? Bakit kaya?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang paraan na pwede mong gawin ngayong linggo para suportahan o ipagdasal ang ibang ministry o church na tapat ding naglilingkod kay Kristo?
• Paano ka magiging part sa pagpapalawak ng kaharian ni Kristo sa pamamagitan ng pakikipagkaisa?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na nagliligtas at nagtatalaga sa atin upang maglingkod sa Kanyang kaharian. Pasalamatan Siya dahil tayo ay tinawag hindi bilang mga karibal kungdi bilang mga kaalyado sa iisang misyon—ang itaas si Kristo at palawakin ang Kanyang paghahari. Ipagpasalamat na kahit gaano kaliit o kalaki ang ating ginagawa, nakikita ito ng Diyos at hindi Niya ito nakakalimutan.
• Humingi ng tawad sa mga pagkakataong pinangunahan ka ng inggit, pagmamataas, o pagkukumpara sa iba imbes na makipagkaisa sa kanila. Pagsisihan ang mga oras na naging hadlang ka sa paglawak ng kaharian dahil sa kakulangan ng tiwala o pagmamahal. Hilingin sa Diyos na linisin ang iyong puso upang matutong magdiwang sa tagumpay ng iba at maglingkod nang may kababaang-loob at pagkakaisa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.