Ang Pananampalataya That Christ Favors
Sa kabila ng mga hadlang na dulot ng pagkakaiba ng lahi, pananampalataya ang nag-udyok sa isang ina na hanapin si Hesus, at siya ring naantig sa puso ng Tagapagligtas upang tumugon sa kanyang pakiusap. Ngayong Linggo, ipinaaalala ni Rev. Mike Cariño na pinapaboran ni Kristo ang pananampalatayang lubos ang pag-asa sa Kanyang tulong at awa, kinikilala ng Kanyang pagsang-ayon, at determinadong makamtan ang Kanyang tugon.
Despite the ethnic differences that separated them, faith motivated a mother to seek Jesus and persuade the Savior to respond to her plea. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that Christ favors a faith that is desperate for God’s help, dependent on His mercy, distinguished by His approval, and determined to get His response.
Basahin sa Bibliya
Mark 7:24-30
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Kailan mo huling naramdaman na parang tahimik si Lord? Paano ka tumugon at anong nangyari?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano ipinakita ng babae ang pagiging pursigido niya kahit parang hindi siya pinapansin ni Jesus?
• Ano ang natutunan mo tungkol sa puso at layunin ni Jesus sa paraan ng Kanyang pakikitungo sa babae?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ibahagi ang mga moments na naramdaman mong hindi ka karapat-dapat sa awa ng Diyos. Paano mo ito hinarap?
• Sa gitna ng delay, discouragement, o katahimikan, kumakapit pa rin ba sa Diyos? Bakit o bakit hindi?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong panalangin ang patuloy mong ipinagkakatiwala sa Diyos ngayong linggo kahit wala pa Siyang sagot?
• May kilala ka bang taong nawawalan ng pag-asa? Paano mo siya matutulungan o hihikayatin sa pananampalataya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na hindi natutulog, kahit parang tahimik Siya minsan, alam Niyang lumalago ang ating pananampalataya. Magpasalamat sa awa Niyang sapat kahit tayo’y hindi karapat-dapat. Magbigay papuri sa Diyos na kahit tayo ay tila parang mga asong tulad sa Bible, binigyan Niya pa rin tayo ng bahagi sa Kanyang biyaya. Pasalamatan Siya sa pananampalatayang binibigay Niya—isang pananampalatayang pursigido, matatag, at nagagalak sa Kanya.
• Humingi ng kapatawaran sa mga panahong gusto mo nang sumuko, at sa mga oras na mabilis kang madiscourage o mawalan ng tiwala dahil hindi agad dumadating nagkakaroon ng kasagutan. Magsisi ka sa mga panahon na mas pinili mong lumayo kaysa maghintay. Ipagdasal na matanggal ang pride, pagdududa, at pagiging impatient mula sa iyong puso at mapalitan ang mga ito ng pananampalatayang may kababaang-loob, matinding pag-asa, at matibay na paniniwala sa kabutihan Niya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
