Close

July 20, 2025

Ang Pagtuturo Ni Christ Sa Ating Hardened Hearts

Bilang mga tagasunod ni Hesus, tayo ay dumadalo sa “paaralan ni Cristo” kung saan ang ating mga aralin ay binubuo ng mga pagsubok na tumutulong sa atin na mas maunawaan ang Kanyang katangian, kapangyarihan, biyaya, at layunin. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano ginagamit ni Hesus ang mahihirap na sitwasyon upang hubugin tayo, turuan tayong umasa sa Kanya bilang ating Tagapagligtas, at i-ayon ang ating buhay sa Kanyang kalooban.

As followers of Jesus, we are part of the “school of Christ,” where our lessons include tests designed to help us understand His character, power, grace, and purpose. This Sunday, Rev. Mike Cariño shares how Jesus uses difficult situations to shape and teach us to rely on Him as our Savior so we learn to align ourselves with His will.


Basahin sa Bibliya

Mark 6:45-56

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magshare ng isang naranasang pagsubok na kung saan ay mas nakilala mo ang Diyos. Ano ang natutunan mo tungkol sa Kanya?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano ipinakilala ni Jesus ang Kanyang sarili sa mga disciples habang sila ay nakararanas ng bagyo?
• Paano ipinapakita na kahit matigas ang puso ng mga disciples, patuloy pa ring kumikilos si Jesus sa kanilang buhay? Bakit ito mahalaga?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Saang parte ng buhay mo ngayon ang sa tingin mo ay tinetest ka ni Lord para mas makilala Siya? Ano ‘yung nadidiskubre mo tungkol sa Kanya, at sa sarili mo?
• Tapat ka ba sa pagsunod kay Jesus kahit na nakakadismaya ang iyong situwasyon at hindi mo nauunawaan ang Kanyang ginagawa? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyong puso?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang isang kongkretong hakbang na magagawa mo ngayong linggo para mas lumalim ang iyong pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok? Ano ang gagawin mo para mas maalala ang mga nagawa na ng Diyos sa buhay mo para hindi mo makalimutan na Siya ay tapat at sapat?
• Mag-identify ng isang taong may pinagdadaanang bagyo sa kanyang buhay ngayon. Paano mo siya matutulungang makita si Jesus sa gitna ng pinagdaraanan niya?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na hindi sumusuko kahit na paulit-ulit nating nakakalimutan na Siya ay tapat. Pasalamatan Siya na kahit matigas ang ating mga puso, patuloy pa rin Siyang nagtuturo, nagpapakilala, at gumagawa ng paraan para lumago ang ating pananampalataya. Magpasalamat na si Jesus ay Diyos na may malasakit, may kapangyarihan, at may layunin para sa buhay natin.
• Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong mas pinanghawakan mo ang takot kaysa sa pananampalataya. Magsisi sa mga panahon na mas pinaniwalaan mo ang sitwasyon kaysa sa katotohanan na Siya ay kasama mo. Manalangin na mawala ang katigasan, pagkalimot, at pagdududa sa iyong puso, sa halip ay matuto magtiwala, sumunod, at maging bahagi ng Kanyang layunin kahit may mga bagay ka pang hindi nauunawaan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.