Close

July 13, 2025

Pinangangalagaan Ka Niya

Sa dami ng nangyayari sa mundo, may mga pagkakataong tinatanong natin kung tunay nga bang isinasaalang-alang ng Diyos ang ating mga pangangailangan. Ngayong Linggo, sa pamamagitan ng himala ng limang tinapay at dalawang isda, ibabahagi ni Ptr. Allan Rillera kung gaano tayo inaalagaan ni Hesus at kung paanong lubos Niyang nauunawaan ang ating mga alalahanin at mga sitwasyong kinakaharap.

With all that’s happening in the world, we sometimes question whether God considers our needs. This Sunday, Pastor Allan Rillera uses the miracle of the five loaves and two fish to show just how Jesus cares for us and how deeply He understands our concerns and the situations we face.


Read Today’s Scripture Passage

Mark 6:30-44

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula

2. Engage one another (15-30 mins)
– Magbahagi ng pagkakataon na hindi mo gustong gawin ang isang bagay dahil alam mong hindi mo ito magagawa dahil sa iyong kakulangan. Paano nakaapekto sa iyong pagtugon ang pagkilala mo kung Sino ang Diyos?

3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang talata. Paano ipinakita ni Jesus ang Kanyang malasakit at habag, hindi lang sa salita kundi sa gawa?
– Bakit mahalaga na may natirang sobra pagkatapos kumain ang mga tao? Ano ang sinasabi nito tungkol sa pagtugon ni Jesus?

4. Engage the heart (15-20 mins)
– May bahagi ba ng buhay mo ngayon na pakiramdam mo na hindi ka napapansin, na-tatake for granted ka, o parang wala kang halaga? Paano makakatulong ang katotohanan na pinahahalagahan ka ni Jesus, may malasakit Siya sa’yo, at inaalagaan ka Niya?
– Kapag may nakikita kang nangangailangan, paano ka tumutugon—may malasakit ba, o parang mukhang wala kang pakialam? Bakit kaya naging ganito ang iyong pagtugon?

5. Engage the hands (15-20 mins)
– Ano ang “kaunting” (oras, effort, resources) ang meron ka ngayon na pwede mong ibigay kay Jesus at pagkatiwalaan Siyang paramihin ito?
– Anong praktikal na hakbang ang maaari mong gawin upang ipakita ang puso ni Jesus—lalo na sa isang taong hindi mo ka-close o madalas makalimutan ng iba?

6. Engage with God in prayer (20-30 mins)
– Purihin ang Panginoon dahil Siya ang mahabaging Pastol na nakakakita sa atin at pinahahalagahan tayo. Magpasalamat dahil hindi Niya lang alam ang ating mga limitasyon—pinili Niyang tumugon at maglaan nang higit pa sa ating hinihiling o inaasam. Pasalamatan Siya dahil minamahal, binabantayan, at pinaparami Niya ang kakaunting meron tayo upang maging higit pa sa sapat.
– Humingi ng kapatawaran sa Diyos sa mga pagkakataong nagduda ka sa Kanyang malasakit at noong hindi mo pinansin ang mga nangangailangan sa iyong paligid. Magsisi na naging manhid ka o naging makasarili sa halip na magpakita ng habag. Ipagdasal na ihanda ka Niyang magmahal at magmalasakit na katulad Niya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes & Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.