Ang Pagtugon Sa Message Ni Christ At Ang Magkakaibang Puso Ng Tao
Hindi sapat ang intelektuwal na kaalaman sa Salita ng Diyos upang magbunga ng isang bago at masaganang buhay. Sa linggong ito, ipinaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na hindi sapat ang pagkalap ng kaalaman tungkol sa Bibliya; kailangan din nating isabuhay ang ating mga natututunan. Tanging sa ganitong paraan lamang, ang Kanyang katotohanan ay makapagdudulot ng tunay na pagbabago.
Intellectual knowledge of God’s Word does not guarantee a renewed and fruitful life. This week, Rev. Mike Cariño reminds us that learning new biblical information is not enough; we must also apply God’s Word in our lives. Only then can His truth bring about genuine transformation.
Basahin sa Bibliya
Mark 4:1-9; 13-20
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na nasabik ka sa isang bagong bagay (maaaring isang bagong ugali, pangako, o ministry) pero nahirapan kang ituloy ito. Anong nangyari?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang apat na uri ng puso na inilarawan ni Jesus sa parable? Paano nagkakaiba ang pagtugon ng bawat uri ng puso sa Salita ng Diyos?
• Anong mga factors ang nakakaimpluwensya sa bawat uri ng pagtanggap ng lupa (puso) ng butil (Salita ng Diyos)?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Alin sa apat na uri ng puso ang naglalarawan sa iyong kasalukuyang pagtugon sa Salita ng Diyos? Sa anong mga paraan mo napansin na may tendency kang mag-remove, resist, o restrict ng Salita ng Diyos sa iyong buhay?
• Nais mo bang pahintulutan ang Salita ng Diyos na itama at baguhin ka? Ano ang mapapa-encourage o hadlang sa iyo?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga distractions o makamundong alalahanin ang kailangan mong ipasa-Diyos upang hayaang mag-ugat at lumago ang Salita ng Diyos?
• Paano ka makakatugon sa Salita ng Diyos sa linggong ito sa para magkaroon ng pagbabago at pagkilos, at hindi lamang impormasyon?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa buhay at makapangyarihang Salita na naghahayag ng katotohanan ng ating mga puso at umaakay sa atin sa tunay na pagbabago. Magpasalamat sa Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig at sa Kanyang pasensya na baguhin tayo ng Kanyang Salita. Magalak na ang bawat seed ng Kanyang Salita ay may kapangyarihang magdulot ng pangmatagalang bunga.
• Magsisi sa harap ng Panginoon sa mga panahong tinanggap mo ang Kanyang Salita nang may matigas, mababaw, o hating puso. Humingi ng kapatawaran sa pagpili ng mga pansamantalang kasiyahan o distractions sa halip na ganap na sumunod sa mensahe ni Kristo. Ipanalangin na palambutin ng Diyos ang iyong puso at bigyan ka ng pagnanais na sumunod at magbago ng Kanyang katotohanan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.