Close

March 16, 2025

Ang Pagmamahal Ni Christ At Ang Kanyang Resistance Against Legalism

Ang Pagmamahal Ni Christ At Ang Kanyang Resistance Against Legalism

Nagpapataw ng hindi kinakailangang pasanin ang legalismo sa pamamagitan ng higit na pagpapahalaga sa mga alituntunin kaysa sa relasyon sa pagitan ng mga tao. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano tumugon si Kristo bilang Panginoon ng Sabbath—pinairal Niya ang Kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa buhay ng Kanyang mga disipulo higit sa mga kautusang panrelihiyon noong panahong iyon.

Legalism imposes unnecessary burdens on Christians by valuing rules more than relationships between people. This week, Rev. Mike Cariño shares how Christ responded as the Lord of the Sabbath—showing His love and valuing the lives of His disciples over the prevailing religious regulations of the time.


Basahin sa Bibliya

Mark 2:23-28

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Kung mayroon kang isang buong araw na walang iniisip na responsibilidad at makakapagpahinga ka lang, ano ang gagawin mo? Ano ang makapagbibigay sa inyo ng lubos na pagpapahinga?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Ano ang ibig sabihin na ang Sabbath ay ginawa para sa tao, hindi ang tao para sa Sabbath? Ano ang tunay na layunin ng Sabbath ayon sa Bible (Genesis 1-2; Deuteronomy 5:15; Exodus 31:13; 1 Samuel 21)
• Basahin ang talata. Bakit tinawag ni Jesus ang Kanyang sarili na “Panginoon ng Sabbath,” at ano ang kabuluhan nito para sa atin?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kailan ka nahihirapan na mas unahin ang pagmamahal sa tao kaysa sa mga patakaran o tradisyon? Ibahagi ang iyong mga karanasan at ang mga natutunan mula sa mga ito.
• Sa anong mga bahagi ng iyong buhay ka umaasa sa legalismo o performance kaysa sa kabutihang-loob ni Jesus?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo tinitingnan ang pahinga sa iyong buhay? Nakokonsensya ka ba kapag naglaan ka ng oras upang magpahinga? Anong mga pagbabago ang maaari mong gawin sa iyong schedule upang igalang ang disenyo ng Diyos para sa Sabbath at magpahinga nang hindi ito ginagawang legalismo?
• Ano ang isang paraan upang maipakita mo ang pagmamahal sa isang tao sa linggong ito sa halip na tumuon sa mga patakaran o expectations?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang pag-ibig na nagpapalaya sa atin mula sa legalismo at sa pagbibigay sa atin ng Sabbath bilang isang regalo. Magpasalamat sa Kanya na ang ating kapahingahan ay matatagpuan kay Kristo, hindi sa mga ritwal ng relihiyon, at ang Kanyang mga utos ay para sa ating ikabubuti at paglago.
• Magsisi sa mga panahong inuuna mo ang mga panuntunan kaysa sa pag-ibig, na ginagawang sariling pagsisikap ang ating pananampalataya kaysa sa isang relasyon kay Kristo. Humingi ng kapatawaran sa pag-asa sa iyong sariling pagsisikap sa halip na magpahinga sa kabutihang-loob ng Diyos. Manalangin para sa isang pusong tinatanggap ang kalayaan ng Gospel at nagpapalawak ng pagmamahal sa iba.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.