Close

February 2, 2025

Ang Pagliligtas Ni Christ at Ang Kanyang Authority


May kapangyarihan ang Gospel na mapagtagumpayan ang anumang hadlang sa pamamagitan ng banal na awtoridad ni Kristo, ang ating Tagapagligtas at Hari. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano ang kakayahan ni Jesus na magpalaya ay higit sa anumang makamundong sistema, impluwensya ng demonyo, o pisikal na limitasyon.

The Gospel has the power to overcome any obstacle through the divine authority of Christ, our Savior and King. This week, Rev. Mike Cariño shares how Jesus’ ability to set people free surpasses any worldly system, demonic influence, or physical limitation.


Basahin sa Bibliya

Mark 1:21-28

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon kung saan nasaksihan mong ginamit ng isang tao ang kanilang authority para sa kabutihan.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano naiiba ang authority ni Jesus sa authority ng mga ibang teachers of the law?
• Paano nagdudulot ng kaligtasan sa mga tao ang authority ni Jesus?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kinikilala mo ba si Jesus bilang pinakamataas na authority sa iyong buhay? Sa anong mga paraan ka nahihirapan na magpasakop o mag-surrender sa Kanya?
• Anong mga hadlang sa iyong buhay ang pumipigil sa iyong ganap na maranasan ang kaligtasan at kalayaan ni Kristo?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano mo mapapalalim ang iyong pagkaunawa sa authority ni Jesus sa pamamagitan ng pagbabasa at pagninilay ng Bible sa linggong ito?
• Anong mga hakbang ang gagawin mo para makawala sa anumang bagay na humahadlang sa iyo sa pamumuhay sa kalayaan ni Kristo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa Kanyang banal na authority na sumisira sa bawat hadlang at dumaig sa lahat ng kasamaan. Magpasalamat sa Kanya sa pagiging Savior-King na naparito upang palayain tayo sa kasalanan at pagkaalipin. Magalak sa kapangyarihan ng Kanyang Salita na nagdudulot ng katotohanan at pagbabago sa ating buhay. Luwalhatiin Siya sa paggamit ng Kanyang authority upang ihatid tayo ng kaligtasan.
• Humingi ng kapatawaran sa mga panahong nag-alinlangan ka sa authority ng Diyos o pinahintulutan mong mahawakan ang iyong puso ng takot, kasalanan, o impluwensya ng mundo. Magsisi sa anumang bahagi ng iyong buhay kung saan nilabanan mo ang Kanyang katotohanan at nabigo kang magtiwala sa Kanyang kapangyarihan na palayain tayo. Ipagdasal na ikaw ay lubusang mag-surrender sa Kanya, na putulin ang bawat tanikala na humahadlang sa iyong paglakad sa kalayaan ng Kanyang kaligtasan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.