Close

December 15, 2024

God Can Strengthen Our Faith When We Suffer

Dahil limitado ang ating pang-unawa, hindi natin lubos na maiintindihan kung bakit pati ang mabubuting tao ay nagdurusa nang walang dahilan. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Rev. Mike Cariño na magtiwala sa Diyos, kahit wala tayong malinaw na kasagutan sa problema ng pagdurusa. Alam ng Diyos ang lahat; nananatili Siyang mabuti sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, at hawak Niya ang lahat sa Kanyang mga kamay.

With our limited understanding, we can’t fully understand why even good people suffer without reason. This week, Rev. Mike Cariño encourages us to trust in God, even when we don’t have answers for our pain. God is wise, He is good through the storms of life, and He holds everything in His hands.


Basahin sa Bibliya

Job 42

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na ang pagkilos o timing ng Diyos ay hindi naayon sa iyong mga inaasahan. Paano ka tumugon? Paano nakaapekto ang iyong pagtugon sa iyong ugnayan sa Diyos at sa sitwasyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Tignan ang buong aklat ng Job. Paano nito hinahamon ang mga tradisyonal na pananaw sa pagdurusa (halimbawa: ang paniniwala na ito ay palaging resulta ng kasalanan)?
• Anong mga aral tungkol sa layunin at karunungan ng Diyos ang matututuhan mula sa kabanatang ito sa Job?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, nagtitiwala ka ba na ang Diyos ang may hawak ng sitwasyon at Sya ay may layunin, o kinukuwestiyon mo ba ang Kanyang mga plano? Saan sa tingin mo nag-ugat ang ganitong uri ng pagtugon at pag-iisip?
• Pinanghahawakan mo ba ang mga pangako at katangian ng Diyos, kahit na napakabigat o hindi patas sa buhay? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano ka aktibong magtitiwala sa layunin at karunungan ng Diyos sa isang partikular na pagsubok sa iyong buhay?
• Paano mo mahihikayat ang isang taong dumadaan sa pagsubok na magtiwala sa kabutihan, paghihilom at pagpapala ng Diyos sa linggong ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa Kanyang hindi nagbabagong layunin, perpektong karunungan, at walang kapares na kabutihan. Magpasalamat sa Kanyang katapatan sa paggamit ng bawat pagsubok para maisakatuparan ang Kanyang mga layunin, sa pagtuturo sa atin sa pamamagitan ng mga pagsubok at hamon sa buhay, at sa Kanyang pangako na hindi Niya tayo iiwanan at pababayaan. Magalak na inihahanda Niya tayo sa mga pagsubok para sa walang hanggang kaluwalhatian na higit sa lahat.
• Pagsisihan ang mga panahong nag-alinlangan ka sa karunungan ng Diyos o nagduda sa Kanyang mga layunin sa mga panahong ikaw ay nahihirapan. Humingi ng kapatawaran sa tuwing ikaw ay umaasa sa iyong limitadong pang-unawa imbes na magtiwala sa Kanyang walang katapusang karunungan. Manalangin para sa isang puso na nananatiling matatag sa pananampalataya, kahit na hindi nakikita ang mga dahilan ng iyong mga pagsubok.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.