Close

December 8, 2024

God Can Restore Our Broken Relationships?

Iniwan ni Jacob ang lugar na kinalakihan niya matapos linlangin ang kanyang kapatid na si Esau, na nauwi sa pagkasira ng kanilang relasyon. Ngayon, tinatawag siya ng Diyos na bumalik. Pero tatanggapin pa kaya siya ni Esau? Ngayong linggo, ibabahagi ni Pastor July David kung paano kayang ayusin ng Diyos ang mga nasirang relasyon kapag tayo’y magpapakumbaba at susunod sa Kanyang kalooban.

Jacob fled his homeland after deceiving his brother Esau, leaving their relationship in ruins. Now, God is calling him to return, but will Esau welcome him back? This week, Pastor July David explores how God can heal and restore broken relationships when we humble ourselves and obey His will.


Basahin sa Bibliya

Genesis 32

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng kamakailang conflict o di pagkakasundo na iyong naranasan. Paano mo hinarap ang sitwasyon at paano ito nakaapekto sa iyong relasyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang itinuturo sa atin ng karanasan ni Jacob tungkol sa pagpupursige sa panalangin?
• Tukuyin kung paano tayo tinuturuan ng lipunan na lutasin ang mga di pagkakasundo sa mga tao. Ito ba ay naaayon sa Bibliya? Bakit o bakit hindi?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Nilalapitan mo ba ang mga relasyong may conflict o di pagkakaayos sa isang madasalin at mapagkumbabang puso? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?
• Pag-isipan ang anumang hindi nalutas na mga conflict sa iyong buhay. Isulat at ibahagi kung paano nakaapekto ang iyong mga nakaraang aksyon sa mga relasyong iyon.

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano nangungusap sayo ang Diyos na tugunan at makipagkasundo sa mga hindi nalutas na conflict na iyong binanggit? Isulat ang mga konkretong hakbang na maaari mong gawin upang ipakita ang iyong pagnanais na magkaayos kayo. Ito ay maaaring kasing simple ng taos-pusong paghingi ng tawad, pagpapahayag ng pasasalamat, o pagpaplano ng oras upang makipag-usap at makinig sa mga pananaw ng isa’t isa. Pagkatapos, magsulat ng isang taos-pusong letter o maghanda para sa isang pag-uusap kung saan maaari mong ipahayag ang iyong pagsisisi at pagpayag na gumawa ng mga pagbabago.
• I-commit sa araw-araw na panalangin ang isang partikular na relasyon o conflict na meron ka. Ano ang hihilingin mo sa Diyos na tulungan ka patungo sa healing?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon sa pagiging Diyos ng pagkakasundo at pagkakaayos, na naglalapit sa atin pabalik sa Kanyang sarili at ginagawang posible ang kapayapaan sa ating mga relasyon. Magpasalamat sa Kanyang biyaya na nagpapalambot sa mga puso, sa Kanyang patnubay na umaakay sa atin sa kagalingan, at sa Kanyang katapatan na nagbabago sa atin sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at panalangin. Magalak na hindi Niya tayo pinabayaang mag-isa sa ating mga pagsubok at ang Kanyang pagmamahal ay nagbibigay sa atin ng kalakasan upang ituloy ang tunay na pagpapanumbalik.
• Pagsisihan ang mga sitwasyong pinahintulutan mo ang pagmamataas, galit, o takot na humadlang sa iyo sa makipagayos sa iyong mga relasyon. Humingi ng kapatawaran para sa pag-asa sa iyong sariling lakas sa halip na dalhin ang iyong mga conflict sa Diyos sa panalangin. Ipanalangin na isuko mo ang iyong puso sa Kanya, na nagpapahintulot sa Kanyang kalooban na gabayan ka tungo sa pagpapakumbaba, pagpapagaling, at kapayapaan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.