Close

November 24, 2024

God Can Lift You Up When You Are Down

God Can Lift You Up When You Are Down

Halos sumuko si Elijah nang maranasan niya ang matinding pisikal, mental, at espirituwal na kapaguran matapos makipaglaban sa mga propeta ni Baal. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas, ginhawa, at pag-asa sa mga panahong tayo’y nasa hangganan na ng ating kakayahan.

Elijah had almost given up in the face of physical, mental, and spiritual exhaustion after fighting the prophets of Baal. This week, Rev. Mike Cariño shares how God restores us by giving us strength, comfort, and hope when we are at our breaking point.


Basahin sa Bibliya

1 Kings 19

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang sitwasyon na nakaramdam ka ng pagkabigo at discouragement tulad ni Elijah. Paano mo prinoseso ang naramdaman mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano nagministeryo ang Diyos kay Elijah sa panahon ng kanyang pagkabigo at kahinaan ng loob?
• Anong mga katotohanan tungkol sa katangian at paraan ng Diyos ang natututunan mo mula sa karanasan ni Elijah?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano ka naglalaan ng oras para magpahinga at pangalagaan ang iyong pisikal, emosyonal, at espirituwal na mga pangangailangan kapag nakakaramdam ka ng labis na pagkabalisa o pagkabahala? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?
• Kapag pinanghihinaan ka ng loob, kanino mo mas naibubuhos ang iyong mga pagkabigo, sa Diyos o sa iba? Ano sa tingin mo ang dahilan nito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang i-prioritize ang pahinga at maiwasan ang pagka-burnout ngayong linggo?
• Sino ang maaari mong muling i-reconnect o paglingkuran ngayong linggo upang magfocus sa pagtulong sa iba kaysa na magtuon sa sarili?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa pagiging ating restorer, comforter, at encourager, na sinasamahan tayo kapag tayo ay nalulumbay. Magpasalamat sa Kanya dahil alam Nya ang ating mga pangangailangan at pagbibigay ng physical rest, emotional release, spiritual refocus, and relational reconnection. Magalak sa Kanyang katapatan na ipanapaalala sa atin ang Kanyang kapangyarihan at presensya at sa mga ibinigay Nyang katuwang natin upang maisagawa natin ang Kanyang kalooban.
• Magsisi sa mga panahong napabayaan mo ang pahinga at umasa sa sarili mong lakas imbes na magtiwala sa Diyos. Humingi ng kapatawaran sa pagtutuon ng pansin sa iyong mga problema sa halip na ituon ang iyong mga mata sa Kanyang kapangyarihan at presensya. Manalangin para sa pagpapakumbaba na dalhin ang iyong mga pagkabigo sa Kanya at umasa sa Kanyang mga plano.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.